Kahit na nasa kuwarto na ako ay hindi ko pa din maalis sa isip ko na ilang saglit na lang ay malalaman na nila ang lahat lahat. Alam kong matatanggap pa din nila ako sa kabila ng pagkakamali ko. Andito na ito eh at wala na kaming magagawa pa. May takot ako sa Diyos kaya hindi ko inoobliga ang sarili ko na magpalaglag. Anak ko to at siya ang buhay ko.
Binalikan ko sa isipan ko ang mga nakaraan. Naalala ko pa noon, ibinigay sa akin ng kaibigan ko ang number niya at baka daw mapawi ang lungkot ko kapag may iba akong nakakausap at nakakatext. Nung una, naiilang pa ako na itext siya dahil hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula pero sinubukan ko pa din. At dun na nga nagsimula ang lahat. Sinali niya ako sa clan niya. Okey naman at kahit papaano ay nalilibang ako. Hindi ko inakalang may lihim na pala siyang pagtingin sa akin. Ang tagal niya din palang itinago ang nararamdaman niya. Kung sana kaya napaaga ang pag-amin niya bago ko muling makita si Kentrix, baka hindi na ako nagkaproblema pa ng ganito.
Hindi ko namalayan ang oras, nagulat pa ako ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan at tinatawag ang pangalan ko. Andito na sila Mama at Papa. Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Bumilis ang pintig ng aking puso. Tila naestatwa ako sa pagtitig sa pintuan na ngayo'y dahan dahan ng bumubukas.
"Akala ko tulog ka kaya binuksan ko na ang pintuan. Hindi ka kasi sumasagot." Ipinasok ni Tita ang ulo niya sa naka awang na pinto.
Kunwari akong nag-inat at kinusot kusot ang mata para isipin ni Tita na kakagising ko lang. "Nakatulog po ako. Nagising lang po ako sa katok nyo. Andyan na po sila?" tanong ko.
"Oo nasa sala na sila. Tara na at lumabas ka na dyan. Namimiss ka na nila ng sobra." si Tita
"Sige po, lalabas na po ako. Aayusin ko lang po itong higaan ko." tumayo na ako para ayusin ang kubrekama't mga unan.
"O sige hihintayin ka na lang namin sa sala ha." isinara ng muli ni Tita ang pinto at narinig ko ang kanyang mga yabag palayo.
Habang nag-aayos ako ng kama, ay pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Bigla tuloy akong nanlumo at bakit naisipan ko pang sabihin kaagad sa kanila.
Pumunta ako sa tokador at kinuha ko ang suklay doon. Dahan- dahan kong sinuklay ang buhok ko. Sana saglet na huminto ang oras at makalimutan na nilang may sasabihin ako. Napangiti ako sa isipin kong iyon. Walang posibilidad na maaring mangyari yun.
Pagkatapos kong mag-suklay ay lumabas na ako ng kwarto. Dahan dahan akong naglakad. Halos bilangin ko pa nga ang mga hakbang ko. Maya maya lang ay narating ko na ang sala. Nagmano ako kila Mama at Papa at niyakap naman nila ako ng ubod ng higpit.
"Sobrang miss na miss ka na namin anak." sabi ni Papa.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...