o6

131 5 0
                                    

Kinabukasan, ikinuwento ko kay Anicka ang mga nangyari sa kusina bago kami umalis ni Iori. Nagulat siya at bakit kailangan pa naming mag-usap gayong may kanya kanya na  kaming iniibig.


At dahil dun, napilitan akong umamin sa kanya. Isinantabi ko ang pride ko. Inamin kong galit ako kay Kentrix pero mahal ko pa din siya at nasaktan ako ng marinig ko ang balita na may nililigawan na siyang iba..


"Paano si Iori? You mean,  hindi mo siya mahal at ginawa mo lang siyang panakip butas?" tanong niya sa akin habang nakaupo kami sa isang tindahan at umiinom ng softdrinks.

Bumagsak ang balikat ko pero nakuha ko pa ding ngumiti. "Hindi naman talaga siya panakip butas eh."



Nanlalaki ang mata niya sa pagkalito. Pailing iling siya na tila naguguluhan sa isinagot ko.


"Anong ibig sabihin na hindi naman talaga siya panakip butas? Mahal mo pa rin si Kentrix samantalang si Iori na ang bi-ep mo ngayon. So anong tawag mo dun? Diba panakip butas yun?" napangising aso tuloy siya saken.


Inalagay ko sa likod ng tenga ko ang mga hiblang buhok na kumawala bago ako muling nagsalita.


Ikinuwento ko na ang lahat lahat sa kanya.  Yung muli naming pagkikita ni Kentrix at ang kalokohan kong sinang-ayunan ni Iori.


Natawa siya sa akin while pouting her lips. "Ibang klase ka din sissy, iniisip mong baka may pagtingin pa siya sa iyo kaya naisipan mong magpanggap na may bi-ep ka na. Tapos nung magpanggap ka, gusto mo namang malaman kung magseselos ba siya o hindi? Eh, may napala ka naman ba?"


Umiling ako at biglang yumuko.


"Hindi ko akalain na wala pala kayong relasyon ni Iori. Hindi halata ah! Sa mga kilos at galaw niya, masasabi mong malaki ang pagkakagusto niya sa iyo. Hindi kaya.....?!" huminto siya sa pagsasalita and she rolled her eyes.

Natatawa ako sa hitsura niya at itinanong ko kung ano ang nasa isip niya.


"Sissy, she's inlove with you ?" napapangisi siya sa akin.

"Wala naman siguro." napangiti ako. "Ganun lang talaga yun, atsaka numero unong playboy yun noh! hindi yun nagtatagal sa isang babae. Kaya alam kong hindi yun magkakagusto sa akin dahil siguro naman alam niya kung ano ang mga pinagdaanan ko kay Kentrix."

Nagkibit-balikat si Anicka. "Malay mo naman!" sabay tawa ng malakas.



Hindi ko makaya ang pang-aalaska niya kaya napatingin na lang ako sa suot kong relo. Uuwi na nga lang ako para makatakas dito sa broohang ito.


MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon