19

95 5 0
                                    

Masaya naman kami habang nagtatanghalian. Di magkamayaw ang kanilang kwentuhan. Tahimik lang ako habang nagkakasayahan sila. Though paminsan minsan nasisingit pa din ang kalagayan ko, ayos na sa akin yon ang importante alam kong natanggap na nila kung ano man ang pagkakamaling nagawa ko. Napagdesisyunan namin na dito na muna ako kila Tita hanggang sa hindi pa ako nakakapagdesisyon kung sasabihin ko ba kay Iori ang lahat.

Lumipas pa ang ilang buwan, medyo halata na ang ipinag bubuntis ko. Regular ang dalaw ko sa doktor. Medyo maselan ang pagbubuntis ko nung mga nakaraang buwan. Dahil sa tulong nila Tita ay nakayanan ko ang lahat. Nakakahiya na nga sa kanila pero wala naman akong magawa. Nalaman ko din na lalaki ang anak ko. Hindi ko ma-explain ang tuwang naramdaman ko ng una ko siyang makita sa screen. Kitang kita ko ang pototoy niya. Ganon pala ang pakramdam kapag nakita mo na ang baby mo kahit na nasa loob pa lang siya ng tiyan. Yung tuwa na hindi kailanman matutumbasan ng kahit na anong halaga. Yung pakiramdam mo na malapit mo na siyang maalagaan at pag-uukulan ng lubos na atensyon at pagmamahal. Ang sarap sa pakiramdam at ilang buwan na lang ay ganap na akong isang Ina. Madalas ko din kinakausap si bebe na huwag niya akong pahirapan sa panganganak para hindi din siya mahirapan sa paglabas niya.

Binilhan na din ako nila Tita ng ilang gamit ng bata. Nakakahiya nga at halos wala akong maitulong sa kanila. Di bale babawi na lang ako next time.

Madalas na din akong binibisita ni Mama. Si Papa kasi ay nagtatrabaho kaya bibihira lang sumama. Si Mama naman kasi ay taong bahay lang kaya may time siya para madalaw ako ng mas madalas. Excited na sila dahil konting panahon na lang at magkakaroon na ng isang bagong anghel sa pamilya. May pailan ilan na din na gamit ng bata na binili sila Mama.

Minsan, napag-usapan nila Mama at Tita si Iori. Hindi pa din nga daw ito tumitigili sa pagbisita sa bahay pero hindi na nga lang ganoon kadalas tulad ng dati. Siyempre kahit paano ay busy din siya sa kanyang tindahan. Ganon pa din daw, nagbabakasakali pa din na baka nakauwi na ako sa bahay. Naaaawa naman sila sa bahay lalo na si Mama dahil nararamdaman niya kung gaano ako kamahal ni Iori. Yun nga lang wala naman sila magawa. Ayaw din naman nila akong pangunahan sa mga desisyon ko. Matanda na din naman daw ako kaya, kaya ko na daw magdesisyon para sa sarili ko. Ako daw ang may hawak ng puso ko kaya ako pa din daw ang may alam ng damdamin ko. Ayaw nilang ipilit sa akin ang tungkol kay Iori.

May mga pagkakataon din na binibisita ako ni Anicka. Masaya siya sa akin dahil malapit na akong maging ganap na Ina. Huwag ko daw kalimutan na gawin siyang ninang kapag nagpabinyag na ako.

"Siyempre ikaw pa makakalimutan ko, ninang ka talaga nitong bebe ko no?!" sabi ko sa kanya minsan.

"Eh teka, nakaisip ka na ba ng pangalan ni bebe?" tanong niya sa akin.

Excited na akong lumabas siya pero hanggang ngayon wala pa akong naiisip na pangalan niya. Ni hindi ko pa nga din alam kung anong gagamitin niyang apelyido. May mga kaso kasi na kahit hindi pa kayo kasal ng asawa mo ay  maaaring gamitin ng bata ang apelyido ng ama.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon