Wala pang 30 minutes nakaayos na ako. Blue polo shirt, maong short at sneakers lang ang get up ko. Videoke bar lang naman ang pupuntahan namin kaya hindi ko na kailangan pang magtodo ayos.
Excited ako habang naglalakad papunta sa bar. Masaya ako dahil ngayon lang kami lalabas ni Iori na kaming dalawa lang. Pero ang ipinagtataka ko din kung bakit ganon na lang ako ka-excited na makita siya samantalang madalas din naman kaming magkita noon. Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang saya simula nung magkakilala kami.
Pagkarating ko sa videoke bar, namataan ko agad siya. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya siguradong hindi niya ako mapapansin kapag nagpunta ako sa likuran niya. Balak ko sana siyang gulatin pero ako ata ang nagulat.
Papalapit pa lang ako sa kanya ng may isang babaeng lumapit sa kanya. Pumulupot agad ang kamay ng babae sa leeg nito at walang pakundangan siyang hinalikan. Tumagal iyon ng ilang minuto bago sila naghiwalay. Namilog ang mga mata ko sa eksenang bumungad sa akin. Sino na naman itong babaeng ito? Kaya pala break na sila ni Diana kasi may kapalit na agad. Napataas tuloy ang kilay ko. Ibang klase talaga tong bestfriend ko. Nakaramdaman ako ng lungkot at panghihinayang. Panghihinayang dahil akala ko kaming dalawa lang. Lumapit na lang ako sa kanila dahil nasabi ko na kanina kay Iori na malapit na ako sa bar at hindi na ako pwede pang magdahilan.
"Leeana this is Chariz my girlfriend, Chariz siya si Leeana bestfriend ko." habang itinuturo niya kami sa isa't isa
Ngumiti ako. Ngiting plastik. Naiinis talaga ako sa pagkakahalik niya kay Iori!
Itinanong ko kay Iori kung ano ang room namin at nauna na akong naglakad. Dire-diretso lang ako at hindi man lang lumilingon sa dalawa. Sanay na ako sa bar na to kasi dito kami madalas na magpunta. Pagkapasok ko sa room, sumalampak ako ng upo habang hinihintay silang dumating. Umayos ako ng pagkakaupo ng makita kong unti-unting bumubukas ang pinto. Nagulat pa ako ng makita kong si Iori lang ang pumapasok at hindi niya kasama si Chariz.
"Asan na siya?!" Tinitigan ko siya sa mata.
"May kinausap lang saglet sa labas."
"Kainis ka! Bakit hindi mo sinabing may iba ka palang kasama? Ano ako alalay mo?" napasimangot akong talaga dahil sa sobrang inis.
"Chill! Sabi ko na eh magagalit ka sa akin. Saglet lang naman siya dito. Gusto ko lang talaga na magkakilala kayo." pangisi-ngisi siya.
"Ewan!" itinuon ko na lang ang pansin ko sa songbook.
Maya-maya lang ay dumating na si Chariz at naupo sa tabi ni Iori. Paminsan-minsan napapasulyap ako sa dalawa lalo kapag naririnig kong tumatawa si Chariz. Akala mo uod na inasinan sa sobrang gaslaw sa pagkilos.
Tss! Badterp. Kung hindi lang nakakabastos baka iniwan ko na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...