Napagkasunduan naming dalawa na before ng due date ko na lang siya pansamantalang titira sa bahay. Nahihiya din kasi siya kila Mama at Papa. Inayos na din namin lahat ng mga dapat asikasuhin. Kung saan ako magpapacheck-up, saan ako manganganak, mga kailangang documents before ako manganak. Masaya ako dahil ilang buwan na lang masisilayan na namin ang prinsipe.
About naman sa feelings ko, nagising na lang ako isang araw na MAHAL KO NA TALAGA SiYA . May mga pagkakataon kasi na naririnig kong may kausap siyang babae sa phone na agad namang tumataas ang dugo ko sa ulo. That means nagseselos ako :). Natatawa nga siya sa akin kasi hindi niya ineexpect na mas matagal pa ang paghahanap niya sa akin nuon kumpara sa pagpapaibig niya sa akin. Madalas tuloy na naiinis ako kapag inaalaska niya ako. Sa huli, nagkakatawanan na lang tuloy kami. Ipinapaliwanag naman niya na mga clients lang niya ang tumatawag. Madalas kasing babae ang customer niya kaya todo-todo ang paliwanag niya sa akin.
"Huwag ka ng mainis mahal ang patis yenoh! Ako naman ang unang nagkagusto sayo eh, gumaya ka lang :)." madalas niyang sinasabi sa akin yan kaya kapag binabanatan na niya ako ng ganyan, natatawa talaga ako sa kanya. Lalo kapag nakikita ko siyang nagpapacute. Yung tipong mas lalo pa niyang pinapasingkit ang mata niya tapos pilit niyang inilalabas ang dimple niya kahit wala naman. Sa huli, makikita ko na todo ang pagngiwi niya ng bibig niya, lumabas lang ang dapat lumabas. hahaha !!! Sabay yayakapin niya ako ng mahigpit at hahalikan sa noo.
Kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Naging maayos ang flow ng relasyon namin. Madalas pa nga ang nakakainis kung ugali siguro dahil medyo bugnutin ako dala na din ng pagbubuntis ko na kanya naman akong pinagtitiyagaang intindihin. Lahat ginagawa niya para lang mapatunayan niya sa akin kung gaano niya talaga ako kamahal. Walang araw na hindi ako masayang masaya sa piling niya.
Pinagsisisihan ko nga ang mga araw na nagtago ako sa kanya na dapat sana'y kapiling ko siya. Na sana'y hindi ko winalang bahala ang nararamdaman kong pakagusto sa kanya. Na sana'y naglaan ako ng konting panahon pa para matutunan ko siyang mahalin. Na sana'y hinayaan kong lumigaya ang sarili ko sa piling niya.
Sabagay, maiisip mo lang naman ang lahat ng iyon kapag huli na o di kaya'y nangyari na o tapos na! Saka ka magsisisi kung kelan hindi mo na kaya pang maibalik ang nakalipas. NASA HULi TALAGA ANG PAGSiSiSi.
Isang araw, habang kumakain kami ng hapunan, inopen ko sa kanya kung ano ang ipapangalan namin kay bebe. Seryoso siyang nag-isip.
"What do you think kung 2 names then magiistart ang letter ng name ni bebe sa start ng pangalan naten." palambing pa ang boses ni kumag na siyang ikinangiti ko.
"What a good idea! Exactly, ganyan na ganyan din ang iniisip ko. Para naman patas tayong dalawa." ngumiti ako. "Ikaw ang mag-iisip ng name na mag-iistart sa name mo then ako naman ang sa akin. gets?!" tanong ko sa kanya.
"Okey!"
Matagal tagal din kaming nagbalitaktakan sa name ng bebe namin. Paano sa tuwing pagsasamahin na namin yung naisip naming name. Medyo hindi namin type ang kinakalabasan. Hindi rin pala biro mag-isip ng mga names noh lalo pa at gusto namin na maging special sa amin ang name niya. Siyempre special kasi siya sa puso namin. Kaya nga lang, nawiwindang na kami kakaisip ng name niya. Arggghhh.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...