o3

143 5 0
                                    

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong ibinalita kay Mama na magkakaroon na ako ng trabaho. Natuwa siya para sa akin dahil alam niyang may pagkakaabalahan na ako na mas makabuluhan.

Dapat ko bang sabihin kay Mama ang muli naming pagkikita? Nagdesisyon akong huwag na lang ipaalam sa kanya. Iniisip ko din na kapag nalaman ni Mama na magkatrabaho pala kami ni Kentrix ay baka pahintuin niya na lang ako dun at paghanapin ng ibang trabaho. Kumain lang ako at pagkatapos ay dumiretso na ako sa kuwarto.

Habang nakahiga ako, hindi ko maiwasang umiyak.  Paulit-ulit ko na namang naririnig ang mga binitawan niyang salita.

Kailan kaya ako magiging ok?

Habang umiiyak ako, hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng mga bagay bagay na nangyari sa akin buhat nung mawala siya. Inisip ko kung may nabago ba, may ikinabuti ba o may masamang naidulot ang nangyari sa amin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nung time na masyado akong nadepressed sa pagkawala niya. Yung mga bagay na isinakripisyo ko para sa kanya. At sa kabila ng mga nagawa ko sa kanya, sinuklian pa din niya ako ng kabiguan.

Kung pwede lang i-fast forward ang buhay ginawa ko na kaya lang naisip ko hindi rin pala pwedeng i-rewind ang nakaraan. Sana lang kayanin kong muli na tanggapin kung ano mang pagsubok ang darating sa akin.

Ok na sana eh, pinipilit ko na siyang kalimutan kahit nahihirapan pa din ako pero nung magkita kaming muli, biglang nag flashback ang lahat ng mga masasakit na nangyari sa amin. Hindi ko mapigilan ang paglabas ng galit ko sa kanya.

Naisip ko tuloy, LiFE iS SO UNFAiR ! Bakit kung sino pa ang siyang marunong magmahal, siya pa yung madalas maiwan ng hindi man lang alam kung ano ang tunay na dahilan.

Tulad ng sa amin ni Kentrix, hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin ang lahat. Bigla-bigla kasi ang pagtalikod niya sa relasyon namin. Wala man lang siyang pasintabi, basta ang sabi lang niya noon, hindi na niya ako mahal? Pero anong dahilan?

Ang hirap maging "NOBODY"., but then I'm glad kasi hindi pa din pala ako nag-iisa. May makikilala't makikilala ka din na siyang tutulong sa iyong pag-iisa. Kahit papaano, malaki ang naitulong ng clan lalong lalo na si Iori.

Tumayo ako at nagpunta ako sa aparador. Kinuha ko ang isang kahon na punong puno ng kanyang mga sulat. Halos anim na taon kong iniingatan ang mga sulat na iyon. Mga ala-alang nagpaparamdam kung gaano niya ako kamahal noon.

Nagbasa-basa ako ng ilan sa kanyang mga sulat. Ewan ko ba bakit patuloy ko pa ding sinasaktan ang aking sarili sa pagtatago ng mga ala-ala niya. Dahil ba sa naghihintay pa din ako sa kanyang pagbabalik ? Bakit patuloy pa din akong umaasa sa kanyang mga pangako noon. Noon pa iyon eh ? Isa talaga akong malaking TANGA.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon