Pagkaalis niya ay binalikan ko ang cp ko sa kuwarto. Amfufu, nakalimutan kong kuhain ang cp nos. niya. Di bale bukas na bukas yun kaagad ang tatanungin ko sa kanya. May isang message akong nadatnan sa cp ko. Kaninang umaga pa palang text yun ni Anicka. Pagkalabas ko kasi kaninang umaga sa kuwarto hindi na ako muling pumasok pa sa loob. Naging busy na ako kasama si Iori.
From : Anicka
Hey sissy, gud to hear dat. Enxa na if now lan repz ah, ang aga q na2log kgvi. Punta q jan xenio pag rd q, wentuhan teu :D .. misz u .. :-*
Kahit kelan talaga tong si Anicka, basta tsismis mabilis pa sa alas kuwatro. Napailing na lang ako habang nakangiti. Maya-maya pa narinig kong may nagdodoorbell. Si Papa na siguro yun. Agad akong lumabas ng kuwarto at sinalubong ko agad si Papa sa gate. Namiss ko si Papa. Para tuloy akong bata na naglalambing sa kanya. Nakayakap ako sa bewang niya habang naglalakad kami papasok sa bahay. Si Papa naman ay nakangiti lang. Umupo muna siya sa sala at tamang alis ng sapatos niya. Pumunta ako sa likod niya at hinilot hilot ko siya. Si Mama naman ay lumabas na mula sa kusina at naupo sa tabi ni Papa.
"Namimiss ko nga yang hilot mo anak eh, sa tuwing dumarating ako dito sa bahay, ikaw kaagad ang naiisip ko. Kamusta ka na? Pasensya ka na kung hindi na kita pinagising kagabi ah." mahinang pagtawa niya.
"Okey lang po Pa, napagod din ako ng husto kagabi kaya siguro hindi man lang ako naalimpungatan." tamang hilot pa din ang lola nyo.
"Buti naman at nakapagdesisyon ka ng tanggapin siya. Kawawa naman ang anak mo kung walang makakagisnang ama." wika ni Papa.
Tinapos ko din agad ang paghihilot at umupo ako sa gitna nilang dalawa.
"Naisip ko nga din po iyon at sa tingin ko naman po, hindi naman po mahirap mahalin si Iori. Bestfriend ko naman siya kaya marami na din akong alam sa kanya. Hindi na po siguro ako mahihirapang kilalanin pa siya ng maigi. Makakapag adjust po kaagad ako." paliwanag ko.
"So anong plano nyo?" wika ni Papa. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
Nalungkot akong bigla.
"Oh bakit bigla kang nalungkot?" Tanong ni Papa. Inakbayan niya ako at tinatap niya ang likod ko.
"Plano ko po na dun tumira sa kanila para mas mapag-ukulan ko siya ng panahon at mas makikilala pa ng maigi. Nalulungkot ako kasi, matagal na naman tayong hindi magkikita. Pero di bale, dadalaw dalawin naman po namin kayo." Inakbayan ko sila Mama at Papa at niyakap ko silang dalawa.
"Okey lang hija, maganda yang naisip mo. Basta lagi mong tatandaan, nandito lang kami parati ng Mama mo. Kung may kailangan ka, huwag kang mahihiyang lumapit sa amin. Ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin." si Papa.
"Ang drama nyong mag-ama. Huwag nyo nga akong paiyakin." nakangiti si Mama pero nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Eto talagang Mama mo kahit kelan iyakin. Kahit nga sa palabas sa tv ay nagagawa niya pa ding umiyak."
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...