16

96 5 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising. Kumilos na muna ako sa bahay. Nagluto ng almusal, naglinis ng bahay at naghugas ng mga pinggan. Gusto kong pagkagising nila Tita ay wala na silang gagawin pa. Hindi na ako nakapag paalam kagabi dahil masyado na ding late ang pag-uusap namin ni Anicka. Pagkagising na lang nila Tita ako magpapaalam.

Nagpahinga na muna ako at pagkatapos ay naligo na. Paglabas ko ng banyo ay ang pagbaba din nila Tita at Tito sa kuwarto. Niyaya ko silang mag-almusal. Sabay sabay kaming kumain at dun na din ako nagpaalam sa kanila na hindi na muna ako makakapasok sa tindahan. Pumayag naman sila.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kuwarto upang magbihis. Tinext ko na din si Anicka kung anong oras kami magkikita.

After 45 minutes, lumabas na ako ng kuwarto at nagpaalam na akong aalis na. Hindi ko na nadatnan pa si Tita dahil siya ang magbubukas ng tindahan ngayon.

Sumakay ako ng bus papunta sa amin. Napagpasyahan kasi namin ni Anicka na magkita sa mall na malapit sa dati kong pinapasukan. Almost 2 hours din ang biyahe kaya medyo na-istress ako sa pag-upo kahit na sabihin pang naka aircon ang bus.

Pagkadating ko sa mall, dumiretso na kaagad ako sa meeting place namin ni Anicka. Medyo kinakabahan pa nga ako nung nasa mall na ako baka kasi may makakita sa amin at sabihin iyon kay Iori. Pero no choice ako kasi ako ang may kailangan sa kanya.

10 minutes na wala pa ring Anicka na dumarating kaya nagtext ulit ako sa kanya. Nasa labas na pala siya ng mall at papasok na. Maya-maya lang ay nasilayan ko na ang supladitang pagmumukha niya. Kung titignan mo siya akala mo masungit siya pero kapag nakapalagayan mo naman ng loob ay super kulet at machika.

Patakbo siyang lumapit sa akin at buong higpit niya akong niyakap. "Kamusta ka na sissy?! Namiss kita!" .

"Ayos lang ako! Ikaw?"

"Mabutete naman!" sabay tumawa siya ng hindi naman ganoon kalakas.

Naupo kaming dalawa at panay ang titig niya sa akin.

"Tumataba ka ata. Hiyang ka dun sa Tita mo! Teka kumain ka na ba?" Aniya

Tumango ako. "Ou kakakain ko lang kaya. Ikaw? It's my treat! Inabala kasi kita ngayong restday mo." ngumiti ako.

Umiling-iling siya. "Sus wala yun, ikaw pa. Saka gusto talaga kitang makita at alam kong kaya ka lang naman nakipagkita sa akin dahil nararamdaman kong may sasabihin ka. Pero kung wala, malamang wala ka ngayon sa harapan ko." *naglungkot-lungkutan si Anicka*

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon