o5

121 5 0
                                    

"So anong plano mo?" tanong ni Iori  habang umiinom ng alak.

Nabablangko ang utak ko dahil kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pagkikita nung dalawa at kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harapan ni Kentrix.

Matagal akong pumikit at di alintana ang mga taong nakapaligid sa amin. May narinig pa nga ako na baka daw nahihilo na ako kaya dumilat ako at ngumiti sa kanila.

"Okey pa ako! Sanay naman akong uminom, nag pass nga lang ng ilang months. So ako na ba?." tanong ko habang pinupuyod ko ang aking buhok. Ramdam ko ang init ng katawan ko dahil  nakakailang shot na din ako.

Habang umiinom ako, bumulong sa akin si Iori. Tinanong niya ako kung okey pa daw ba ako. Kung hindi naman ay uuwi na daw kami. Ngumiti ako sa kanya.  Sapat na yun para maintindihan niyang kaya ko pa naman.

Mabilis nakapalagayan ng mga kasamahan ko si Iori dahil siguro sa may sense of humor itong kausap.  Pagkalapag ko ng shot glass ang siyang dating nila Kentrix at Doreen. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kentrix pero agad din akong bumawi ng tingin.

Heto na sila? Ano ang gagawin ko sa isip ko.

"Siya ba yun?" pabulong na sinabi sa akin ni Iori.

Tumango lang ako at hindi na umimik. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig. Namamawis ang mga palad ko at nanginginig ang aking mga kamay. Napasindi pa tuloy ako ng yosi sa sobrang kaba ko.

Alam kong nararamdaman ni Iori ang pagiging balisa ko kaya hinawakan niya ang kamay ko. Nabigla ako sa paghawak niyang iyon pero hindi ako nagpahalata. Hinayaan ko na lang siya na gawin yon dahil iniisip kong baka magtaka ang mga kasamahan ko.

Tumingin na lang ako sa kanya at ngumiti. "Salamat." sabay hitit sa sigarilyo.

"Wala yun, malakas ka sa akin eh. Sabay ka na lang sa agos ha!" at kumindat siya sa akin.

"Okey!" habang nilalalaro laro ko ang yelo sa palad ko.

Nakailang ikot pa ng baso bago naupo sila Doreen at Kentrix. Naupo na din si Anicka dahil pwede na siyang uminom at wala ng darating pa  na ibang bisita. Ipinakilala ni Anicka si Iori kay Kentrix. Nagkamay ang dalawa at napansin kong saglet na tumingin sa akin si Anicka. Siya lang ang nakaka alam ng nakaraan namin ni Kentrix.

Simula ng maupo sila Kentrix sa harapan ko, napansin ko na ang mga paglalambing ni Iori. Andyan yung saluhin niya ang tagay ko, subuan niya ako ng pulutan. hawakan ng mas matagal ang mga kamay ko at paminsan-minsan niyayakap niya din ako lalo kapag napapansin niyang napapatulala ako sa dalawa kapag naghaharutan. Gustong tumulo ng mga luha ko pero pilit  ko itong nilalabanan. Ayokong makita niya na naaapektuhan ako sa lambingan nilang dalawa. Nabuhay muli ang galit ko sa kanya. Bakit kasi kailangang harap harapan niyang iparamdam sa akin na may iba na siya.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon