Magdamag akong umiyak kaya namaga ang mga mata ko. Hindi naman ako pwedeng umabsent sa trabaho dahil 1 buwan pa lang akong pumapasok. Pumasok ako sa trabaho na mugtong mugto ang mga mata ko. Di bale baka mamaya din eh mawawala na ito. Nasa loob naman ako ng kitchen kaya walang problema. Hindi naman ako makikita ng mga customer.
Pagkapasok ko sa trabaho halos lahat ng nakaduty nung time na yon ay nagtanong. Sinabi ko na lang na kinagat ng ipis ang dalawang mata ko. Tumawa pa nga ako at pabiro kong sinabi na hindi kasi ako nakapaghilamos kagabi kaya pinapak ng ipis ang make-up ko sa mata.
Laking pasalamat ko at hindi naka duty si Anicka ngayong araw. Iniisip kong baka hindi iyon maniwala sa alibi ko ngayong alam na niya na ex ko si Kentrix.
Dalawang oras pa ang nakalipas ng mamataan ko siyang papasok na ng crew room. Mukhang nabago ang sched niya ah.
Simula ng mag-in siya at isiping ilang oras ko pa siyang makakasama ay naging balisa na ako. Hindi ako gaanong makatingin sa kanya dahil hindi pa din nawawala ang umbok sa mga mata ko.
1 hour break. Salamat naman at may isang oras kaming hindi magkikita. Pero imbes na kumain ako sa labas ay nagpahinga na lang ako sa crew room. Andun pala si Dave na naghihintay ng oras bago siya mag-in at si Doreen na nag-aayos na para mag-in.
Bihira ko siyang makita kaya ngayon ko lang siya natitigan ng matagal. Maganda pala siya at mukha namang mabait. Pero may babaet pa kaya sa tangang katulad ko? Ramdam niya siguro na tinititigan ko siya kaya bigla itong lumingon. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.
Ibinaling ko din kaagad kay Dave ang mga tingin kong iyon at kinausap ko na lang ito.. Nagkuwentuhan kaming dalawa at nabanggit niyang birthday ni Anicka ngayon. Kaya pala wala siya ngayon dahil birthday niya. Ang brooha nakalimutan akong ayain. Nadala siguro sa kuwento ko kaya pati birthday niya ay nakalimutan na niya. Inaya ako ni Dave na pumunta sa birthday. May konting handaan daw at inuman.
Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako sure kung makakasama ako kaya hindi na ako nito kinulit pa. Ilang saglit lang nag-in na sila Dave at Doreen.
Matapos ang isang oras, balik na ako sa trabaho.
Habang gumagawa ako ng order na burger, si Kentrix naman ang nagluluto ng chicken. Magkatalikuran lang ang aming station.
"Sama ka mamaya?" Tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Abala siya sa pagluluto dahil madaming pending na order.
Kapag naiisip ko ang mga kilos niya parang wala lang sa kanya ang lahat ng nangyari. Kung kausapin niya ako parang natural lang. Ni hindi ko man lang siya makitaan ng hiya. Naiinis talaga ako sa kanya pero hindi ko siya magawang bastusin dahil hindi naman talaga ako ganong klase ng tao.
Nagkunwari akong walang alam. "Saan?" Saglet akong lumingon sa gawi niya at ibinalik ko din ang tingin ko sa ginagawa ko.
"Kila Anicka! Birthday niya kasi ngayon. Diba close kayo nun? hindi niya ba nasabi sa iyo?."
Saglet akong huminto sa ginagawa ko at napapikit ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Tuliro ata ang utak nun kahapon eh. Wagas ang excited kaya siguro nakalimutan mag-invite." Tumawa lang ako. Hindi ko na sinabi kay Kentrix na baka nga talagang nakalimot dahil sa mga naikuwento ko.
"Okey." maikling sagot niya.
Pumunta na siya ng counter area at hindi na kami muli pang nakapag-usap. Biglang dagsa ang mga tao kaya naging abala na kami sa kanya kanya naming istasyon.
Tapos na ang duty ko. Pagkatapos kong magbihis ay sinipat ko kaagad ang phone ko. Malamang sabog na naman ang cp ko sa mga group messages ng clan kaya kailangan kong magbawas. Iniisip kong baka mamaya kasi may importanteng text na hindi ko kaagad mabasa. Inalis ko yung mga hindi ganon ka importanteng gm's kaya sandamakmak na naman na texts ang pumasok. Sinipat kong muli ang phone ko. At nakita ko nga na may text sa akin si Anicka.
Agad kong binuksan ang message niya. Humihingi siya sa akin ng paumanhin dahil hindi nga niya nasabi sa akin kahapon na birthday niya, naging busy ang utak niya sa mga kuwento ko. Matagal na din daw kasi napag-usapan yon kaya halos alam na ng mga ka crew namin na magkakaroon nga ng konting salo-salo sa birthday niya. Sinabi din niyang isama ko ang bf ko para makilala niya ito at para hindi na din ako mailang kila Kentrix at Doreen mamaya.
Nagreply ako sa kanya na pupunta ako at itetext ko pa lang si bi-ep kaya hindi pa ako sure if makakasama ito. After kong magreply kay Anicka ay agad kong tinext si Iori . Sinabi ko kung pwede niya akong samahan sa birthday ng ka crew ko. Pumayag naman siya at sinabi niyang hintayin ko na lang siya sa store. Buti pala at nakaligo na din si kolokoy kaya hindi na ganoon katagal ang ipaghihintay ko sa kanya.
After 1 hour, dumating na din si Iori. At dahil andun pa si Dave, pinilit ko siyang mauna na kami at samahan na lang niya kami kila Anicka. Gusto kong dun na lang kila Anicka magkita sila Iori at Kentrix.
Pagdating kila Anicka ay ipinakilala ko si Iori sa kanya. Ngumiti siya at binati naman siya nito at may iniabot na munting regalo.
May maliit kasing tindahan si Iori at kung anu-ano ang mga itinitinda niya doon. Mga souvenir items, gadgets accessories etc. kaya madali para sa kanya na makapagregalo incase na gahol na sa oras.
Kumain na muna kami ni Iori bago kami umupo sa inuman.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...