Habang nasa emergency room ako at naka oxygen, pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili. Ayokong magtagal dito. Gusto kong andun lang ako sa kanyang tabi anytime na idilat niya ang kanyang mga mata. Gusto ko pa siyang makausap. Gusto ko pang idetalye sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto ko pang iparamdam sa kanya kung gaano talaga siya kaimportante sa akin.
"Miss okey na ako. Kailangan na ako ng asawa ko." gusto ko ng umalis agad agad sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa ICU.
"Saglet lang po Misis at aalisin lang natin ang oxygen sa iyo." inasikaso na agad ako ng nurse at nagmamadali din siya sa kanyang ginagawa. Pakiramdam ko, nararamdaman din niya ang nararamdaman ko.
Pagkaalis na pagkaalis ng oxygen sa ilong ko kumaripas na ako ng takbo. Wala na akong pakialam kung may mabubunggo ba ako o wala. Ang tanging gusto ko lang mangyari ay ang makita na agad siya at masilayan ang kanyang mga ngiti.
Pagkarating ko sa ICU ay nagkakagulo na naman sila. Paroo't parito ang mga doctor at nurse sa kuwarto. Bakit? Bakit sila nagkakagulo? Papalapit pa lang ako ng papalapit sa pinto ay mistulang lantang gulay na ako. Huli na ba ako ng dating? Huwag naman sana! Iori, lumaban ka. Kailangan ka namin ni Ice. Kailangan kita.
Saktong nasa tapat na ako ng pintuan ng lumabas ang head doctor. Tahimik lang siya at tulalang nakatingin sa akin.
"Ano pong nangyayari?!" halos masigawan ko na siya dahil sa kaba kong nararamdaman. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng aking puso.
"Sorry po misis pero wala na siya!" nanlaki ang mga mata ko sa bigla at saglit huminto sa pagtibok ang aking puso. "Doc, sabihin mong nagbibiro ka lang. Sabihin mong buhay siya at natutulog lang dahil sa mga natamo niyang sugat sa kanyang katawan. Sabihin mong hindi totoo ang lahat ng narinig ko mula sa iyo." niyugyog ko ng bahagya si doc at hindi alintana kung ano ang kanyang mararamdaman. Histerikal na akong umiiyak sa harapan niya.
"Ginawa na po namin ang lahat. Pero gaya nga ng sinabi ko, huli na po ang lahat." Malungkot ang kanyang mga mata bago siya tuluyang tumalikod sa akin. Wala na akong nagawa pa dahil kahit ano pang pagmamakaawa ko sa kanila. Hindi na maibabalik pa ang buhay ni Iori.
Pumasok na ako sa loob at nilapitan siya. Buong higpit ko siyang niyakap at umiyak sa kanyang harapan.
"Ang daya mo naman. Bakit iniwan mo agad kami. Sabi mo hindi mo kami iiwan. Paano na ang kasal naten. Kakatapos lang ng birthday ni Ice tapos ngayon tinapos mo na din kaagad ang buhay mo ng ganito kaaga. Sana hindi ka na lang umalis. Sana pinigilan na lang kita. Sana ngayon andito ka pa sa amin at masaya tayong nagkukulitan. Paano na kami ngayong wala ka? Paano na si Ice ngayong wala ka na. Iori, gising! Niloloko mo lang ako diba? Iniinis mo lang ako diba? Kahit araw arawin mo pa akong inisin hinding hindi na ako maiinis gumising ka lang dyan at sabihin mong nagbibiro ka lang." niyuyugyog ko ang kanyang balikat at nagbabakasaling ididilat niyang muli ang kanyang mga mata. Pero nabigo ako. Wala na nga talaga siyang buhay.
Lulugo-lugo akong nilisan ang ospital. Ni hindi ko na nga nagawa pang tawagan sila Mama dala ng sunod sunod na nangyari nung araw na iyon. Sa pagkakataong ito, hindi ko pa siya kayang asikasuhin. Hindi ko kayang makita na anytime ipupunta na siya sa morge para asikasuhin ang kanyang labi. Uuwi ako ng bahay para sila mama na lang ang mag-aasikaso ng lahat lahat. Hindi ko lubos maisip, na wala na siya sa amin ni Ice.
[ MEDYO MAiKSi ANG UPDATE KO NGAYON !! i'M RUNNIN' OUT OF iDEA. HEHE !! .. MARAMiNG SALAMAT PO SA PATULOY NYONG PAGSUPORTA SA STORYANG iTO .. SAMAHAN NYO PO AKO HANGGANG SA HULi .. SALAMUCH iN ADVANCE :-* ]
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...