o8

114 5 0
                                    

Humahangos akong pumasok sa C.R. Napatingin ako sa malaking salamin habang hawak-hawak ko ang pang-ibabang labi ko. Sinariwa kong muli sa isip ko ang pagdampi ng kanyang  labi sa labi ko. Napangisi ako habang ini-imagine ko na tumutugon ako sa halik niyang iyon. Nakakahiya! Mahina kong inumpog-umpog ang ulo ko sa pader. Nababaliw na ata ako at hindi agad maka get over sa nangyari kanina. 



Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae na sa tingin ko hindi nalalayo ang edad sa akin. Nakita pa niya ang pag-umpog ko ng ulo sa pader. Napataas ang kilay niya sa akin. Amfufu baka isipin niyang nasisiraan na ako ng ulo at gusto ko ng magpakamatay. Napangisi ako bago yumuko at dire-diretsong  lumabas ng C.R.



Dahan-dahan akong naglakad. Hindi ko alam kung didiretso na ba ako sa kuwarto o lalabas na muna ako sa bar. Sa huli, nakapagdesisyon akong lumabas na muna ng bar para magpahangin. Naninikip kasi ang dibdib ko at halos hindi ako makahinga  kakaisip sa nanyari kanina.  Naghanap ako ng tindahan na malapit lang din sa bar at bumili ako ng isang kahang sigarilyo at ilang pirasong candy. Buti na lang at may pera ako sa bulsa. Hindi ko nailagay lahat ng pera ko sa wallet. Andun pa naman yun sa pouch ko at naiwan ko sa loob ng kuwarto.



Nagsindi ako ng isa hanggang sa nagsindi pa ulit ako ng pangalawa. Nakakapagyosi lang ako kapag natetense ako. Magsisindi pa sana ako ng pangatlo pero naisipan ko ng pumasok sa loob. Medyo matagal na akong nawawala at baka isipin niyang umuwi na ako. Ano na kaya ang ginagawa niya? Palaisipan pa din sa akin ang pagdampi ng kanyang labi.



Pagtapat ko sa pinto ay humugot na muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako payukong pumasok sa kuwarto at naupo sa tapat niya. Hindi ko siya kayang tignan. Nanliliit ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang ituloy sa isip ko ang naudlot niyang paghalik sa akin.


Nakakatawa!


Tahimik lang akong nakatingin sa screen ng tv. At ganun din naman siya. Tila walang gustong magsalita ni isa man sa amin. Ayoko namang magsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. At isa pa, nanginginig pa din ang bibig ko at posibleng magkanda utal-utal ako sa pagsasalita.


Sa sulok ng mata ko, alam kong nakatingin siya sa akin. Nakita ko pang inihilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha. Tumingin ako sa mesa at hinawakan ko ang bote ng alak. Hindi na pala malamig. Inabot ko ang baso at nilagyan ko iyon ng yelo bago ko binuhos sa baso ang natitirang alak. Inikot-ikot ko pa muna ang yelo sa loob para agad itong lumamig bago ko inumin. At ng maramdaman ko ng malamig na ang alak, agad ko itong ininom. Lagok lang ako ng lagok hindi dahil sa sobrang uhaw ko kundi sa sobrang kaba ko. May kung ano sa damdamin ko na hindi ko naman maipaliwanag kung ano.



Nakita kong nakatitig na ulit siya sa akin at hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya itinuon ko na lang ang mata ko sa alak na unti-unting nauubos.


"S-sorry..!!" malungkot ang kanyang boses habang titig na titig siya sa akin.


Inilapag ko ang baso sa mesa bago ako nagsalita. Ayoko sana eh, pero yaman din lamang na siya na ang unang kumibo. Dapat lang na ipakita ko sa kanyang parang wala lang sa akin ang lahat.


"Huwag mo ng isipin yon. Hindi mo naman yun sinadya diba? Inabala ko ang sarili ko sa pagpapak ng mga pulutan.


Narinig ko ang pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong hininga.


"Paano kung sinadya ko yun? Magagalit ka ba sa akin?"


Napaangat ang ulo ko at tumingin ako ng diretso sa kanya.  Hindi ako nagulat sa sagot niya dahil alam ko naman sa sarili ko na sinadya niya akong halikan. Dahil kung hindi niya iyon sinadya, dapat itinayo niya kaagad ako. Hinintay pa muna niya akong pumikit bago niya idinampi ang kanyang labi.



Baka naman iniisip niyang hinihintay ko lang na halikan niya ako kaya naman pumikit ako! Waaaah. Nayari na.


"Umuwi na tayo. Marami na tayong naiinom." binuksan ko ang pouch ko at kinuha ko ang suklay doon. Sinuklay ko ang buhok ko bago ko ito ipinuyod. Magpupulbo na lang ako at hindi ko na kailangan pang mag-make up.


Hindi ko na sinagot ang kanyang tanong. Baka kapag sinagot ko ang tanong niya ay mapahaba lang ang pag-uusap namin. At isa pa hindi pa ako handang itanong sa kanya kung bakit niya ako hinalikan.


Tumayo na ako para isipin niyang gustong gusto ko na talagang umuwi. Pahakbang na ako sa pinto ng muli siyang magsalita.







"MAHAL KiTA LEEANA!!!"

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon