o9

119 5 0
                                    

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. Napanganga ako sa mga narinig ko. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko gustong intindihin ang sinabi niya pero narinig ko ng buong-buo ang salitang binigkas niya. Nagulat tlaga ako sa sinabi niya pero hindi ko kayang magreak kaagad. Namanhid ang buong katawan ko at saglet akong tila naestatwa sa harapan niya at ng makabawi, tumakbo akong palabas ng bar.

TAKBO

LAKAD

TAKBO ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay.

Naiines ako dahil hindi man lang niya ako nagawang sundan para magpaliwanag. Pero siguro okey na rin yun. Gusto ko munang takasan siya at isiping wala akong narinig. 

Dire-diretso akong pumasok sa bahay dahil may susi naman ako. Madalas ko kasing naiistorbo sila Mama at Papa kapag late na akong umuuwi. Kaya siguro pumayag na din sila na magkaroon ako ng duplicate key. Pagkapasok ko ng kuwarto ay agad kong inilapat ang pagod kong katawan sa kama. Pumikit ako at pinipilit kong makatulog pero naglaro sa isip ko ang mga salitang binitawan niya.

MAHAL KiTA LEEANA. paulit-ulit kong naririnig na halos mabingi na ako. Hindi ako mapakali kaya halos nagulo ang kama ko sa kakaikot dito. Napabalikwas ako sa higaan ng marinig kong tumutunog ang phone ko. Agad kong hinablot ito sa gilid ng kama.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang tangan tangan ko ang phone. Akala mo may naghahabulang ilang kabayo sa loob nito.  Ayokong sagutin SHiT, wala akong lakas ng loob para kausapin siya ngayon. Nakailang misscalls pa siya bago ko naisipang tanggalin ang baterya nito. Nahiga na akong muli at sa pagkakataong ito, hindi ko na pinilit pang pumikit.  Alam kong hindi pa rin naman ako makakatulog kaagad. Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa kisame. Umaasang may babagsak dun na siyang magiging dahilan para maaga akong makatulog. May kung ilang oras din ang lumipas bago ako dinalaw ni antok

Kinabukasan. Restday ko kaya naisipan kong maglaba na lang ng mga damit namin. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aakalang mawawala siya sa isipan ko. Pero nagkamali ako. Nabigo akong alisin siya sa isip ko. Madalas ko pa ding naiisip ang mga salitang binigkas niya sa akin kagabi. Tsk !!! Bakit ang kulit ng utak ko !! Tsk ..

Hindi ko pa din ikinakabit ang baterya ng phone ko kaya wala pa akong idea kung may mga text siya. At isa pa, nakikini-kinita ko ding sabog ang inbox ko sa mga gm's ng mga ka clan namen kaya kailangan ko munang tapusin ang paglalaba ko bago ko ito buksan.

Pagtapos kong maglaba naisipan kong buksan ang phone. Pag on ko pa lang, walang kamatayang tunog na ang nag-ingay sa buong kabahayan.

"Ano ba naman yan Leeana, kadami-dami mo namang text! Ang ingay sa tenga, i-vibrate mo na nga lang yan." wika ni Mama habang nagluluto siya ng tanghalian

"Opo!" sagot ko.

Gaya ng sinabi ni Mama, silent mode na ang cp ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko sinilip kung sino ang mga nagtext at binura ko ang mga dapat burahin.

Ano kayang pumasok sa kolokoy na yun at bakit niya nasabing mahal niya ako? Ginu-gudtym lang siguro ako nun? Lasing na kasi kaya siguro kung anu-ano na ang mga naiisip. At kung talagang mahal niya naman ako, bakit kailangan pa niyang ipakilala sa akin si Chariz at sa harap ko pa mismo sila naglalampungan? Ano kayang style yun? nalukot ang mukha ko sa naisip ko. Parang tanga talaga tong si Iori.

Nang biglang may pumasok sa isip ko na siyang dahilan para mapangisi ako. Hindi kaya, pinapasakitan niya lang din ako para malaman niya kung ano ang reaksyon ko? Makita niya mismo kung ano ang kahihinatnan ng gagawin niya sa harapan ko?

Simula nung maging mag bestfriend kami, puro pakilala lang siya ng girlfriends niya pero ang maglambingan sa harapan ko ay hindi pa niya nagagawa. First time pa lang niya ginawa yon sa harapan ko. Ang makipag harutan sa ibang babae na andun ako. Paksyet! that means, ginaya niya ang ginawa ko kay Kentrix?! Pinilit niyang palabasin ang natutulog kong damdamin para sa kanya.

Eh totoo naman kaya tong nararamdaman ko ? 

Tinignan kong muli ang cp ko pagkatapos akong magbura ng ilan. Nakita kong may tatlong message siya sa akin at kagabi pa pala ang mga iyon.

1st

LEEANA SORRY! PWEDE BA TAYONG MAG-USAP?

2nd

LEEANA BAKiT HiNDi MO MAN LANG SiNASAGOT ANG MGA TAWAG KO? SORRY, PERO HiNDi KO PALA KAYA. i CAN'T FiND ANY REASON TO STOP WHAT i FEEL FOR YOU..

3rd

PiNiLiT KO NAMAN EH, PiNiLiT KONG iWASAN KA PERO iKAW  AT iKAW PA DiN ANG iDiNiDiKTA NG PUSO KO.

Nalungkot akong bigla. Naaawa ako sa kanya dahil ganon din ang nararamdaman ko para kay Kentrix. Na kahit na anong pilit kong pag-limot, siya at siya pa din ang itinitibok ng puso ko.

Nagreply ako.

MAGANDA SiGURO KUNG HiNDi NA MUNA TAYO MAGKiTA. HiNDi KO PA MASABi O MAPATUNAYAN SA SARiLi KO KUNG ANO NGA BA TALAGA iTONG NARARAMDAM KO. KUNG TOTOO NGA BA TALAGA iTO O GAWA GAWA LANG NG MALiKOT KONG IMAHINASYON.

i LiKE YOU BUT STiLL i LOVE HiM SO MUCH !!!

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon