15

114 6 0
                                    

Habang nasa jeep ako, pilit pa ding nagkakalat sa isip ko ang mga issues .. Ngayong araw na ito, nalaman kong mahal pa din pala ako ni Kentrix kaya lang buntis naman pala ako.

Nakakahinayang! Nakakapanghina. Nakakasikip ng dibdib. Bakit ganito ang mga dumarating na pagsubok sa akin?

Noong una, nasaktan ako at ng makilala ko si Iori at ang clan akala ko sila na ang sagot sa lahat ng katuparan ko para makalimutan ko si Kentrix. Pero ng makita ko siyang muli, nabuhayan ako na baka may pag-asa pa kaming magkaayos. Pero papaano kaming magkakaayos kung nakapagitna naman sa amin si Doreen? At ng aminin sa akin ni Kentrix na ako pa din pala ang mahal niya  at hindi niya kayang mahalin si Doreen gaya ng pagmamahal niya sa akin, aaminin kong tumalon ang puso ko sa saya. Iniisip kong konting panahon lang ang kailangan para maayos sana ang aming relasyon pero ang dali ng panahon, nalaman ko agad na buntis pala ako.

Nalaglag ang panga ko sa panghihinayang para sa amin. Sinikap kong huwag na muling umiyak dahil naaawa na ako sa sarili ko at sa dinadala ko pero hindi ko kayang pigilan ang pag-agos ng mga ito sa pisngi ko.

Sinikap kong tumingin sa labas ng sinasakyan ko baka sakaling mapagaan ng mga tanawin ang pakiramdam ko pero nabigo ako. Malapit na pala ako sa bahay nila Tita. Hindi ko kailangang magpakita sa kanila ng kahit na anong sitwasyon na may posibilidad na pagdudahan nila ako na may kinakaharap akong suliranin ngayon. Hindi pa ako handa na ipagtapat sa kanila ang lahat. Maging sa aking mga magulang ay hindi ko pa din maisip kung saan ako magsisimula.

Kinuha ko ang panyo sa maliit kong pouch at pinahid ko ang aking mga luha. Nagpulbo ako para maging presko ang mukha ko. Nag lagay lang din ako ng light lipstick para hindi mapansin ang pamumutla ko.

Pagbaba ko sa sasakyan, agad kong tinungo ang bahay. Kumatok ako. Pinagbuksan ako ni Tita at itinanong kung saan ako nanggaling. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Naramdaman niya kayang may problema ako? Nakita kaya niya sa mga mata ko ang problemang kinakaharap ko? Siguro naman hindi. Magaling naman ako magtago ng emosyon eh.

Nag-alibi ako kay Tita na sinang-ayunan naman nito. Napabuntong hininga pa muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng bahay. Sinabi ko kay Tita na medyo masakit ang ulo ko at kailangan ko ng magpahinga. Pumayag naman ang mga ito at wala ng tanong-tanong pa.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad kong inilapat sa malambot na kama ang aking katawan. Gusto ko na sanang matulog kaya lang hindi ako patulugin ng isip ko. Naalala ko si Iori!



Anong gagawin ko? Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang kalagayan ko? Kailangan ko bang ipapanagot itong dinadala ko? Paano na ang nararamdaman ko? Kaya ko bang makisama sa taong hindi ko mahal at puro awa lang ang namumutawi sa puso ko? 

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon