26

66 4 0
                                    

Ano kayang naisipan nun at bakit niya ako ninakawan ng halik? Aba at nagdada moves na siya ah. Kampanteng kampante na agad siya dahil nararamdaman niyang okey na ako sa kanya. Eh kung pagtripan ko kaya yung kolokoy na yon? Naku, makakarinig na naman ako ng drama niya. Haha. Wag na nga lang, kawawa naman eh :) Kayak naisipan ko na lang siyang itext.

To : Iori

 Hi! ztah? nuh gwa mo?

Agad siyang nagreply.

From : Iori

Actually, iniisip kta? hehe. Thank you coz you made my life complete. Sa totoo lang, when you left me i tought it's the end of the world. Di ko alam kung kakayanin ko bang mawala ka ng ganun ganun na lang. Inaraw araw kita sa inyo at nagbabakasakaling babalik ka kaagad. Antagal mo kayang nagtago :'c. At ngayong magkasama na ulit tayo, pls. don't leave me again okey. I love you so much yenoh.   I will love you forever. Pakasal na kaya tayo? :)

Pagkabasa ko ng text niya, napangiti ako. Sweet talaga tong si Iori kahit kailan. Hindi malayong mainlove agad ako sa kanya. Para tuloy akong baliw na tumatawang mag-isa. Kung ganito ng ganito araw araw eh, baka mahulog agad ako sa bitag niya. Hahaha.

Tumunog ulit ang cp ko at agad kong sinilip kung sino ang nagtext.

From : Anicka

Hey sissy! We're on our way. w8 mo kmi ah! 

Nagreply ako at tinanong ko siya kung sino ang kasama niya. Pero hindi na ito nagreply. At may gana pa talaga siyang manurpresa ah. Sino naman kaya ang kasama niya? Napaisip tuloy ako. Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Medyo malapit lang naman kasi sa bahay ang dating store na pinapasukan ko. 1 ride lang at almost 15 minutes lang ang biyahe kaya halos nagmamadali akong kumilos. Eh pano naman kasi, kahit hindi kumikilos ang buntis, madalas pa rin kaming pagpawisan. Eh summer pa naman ngayon, sobrang init kahit na nakatutok ka na sa electric fan. Gusto ko pa sanang magtagal sa banyo kaya lang i'm sure, maya maya lang nandito na si Anicka at ang kasama niya. Baka naman bf niya ang kasama niya? Matagal tagal na din akong walang balita sa broohang yon. Madalas kasi kapag nagkakatext kami, puro tungkol sa akin ang napag uusapan namin. Maging nung nagkita kami 1 tym, about sa akin pa din ang napagusapan namin. Sobrang laking issue kasi yun that time. Hehe.

Pagkalabas ko sa kuwarto sakto naman na tinawag ako ni Mama. Sinabi niyang may dumating akong bisita. Alam kong sila Anicka na yun. Agad kong sinino kung sino ang kasama niya. Ngumiti ako pero bakas pa din sa aking mukha ang pagkagulat. Hindi ko kasi expected na siya ang kasama ni Anicka ngayon. Iniisip ko kasi na bf niya na maaaring kakilala ko.

"Tuloy, have a seat." itinuro ko ang sofa pero nauna pa din akong naupo sa kanila. Ang bilis talagang mangawit ng bewang ko.

Umupo naman silang dalawa at ipinatong sa mesa ang dala dala nilang mga prutas.

"Para sa iyo. Dala niya." inginuso ni Anicka si Kentrix.

"Thank you, ikaw naman nag-abala ka pa. Anything? coffee? juice? softdrinks?" nagpabaling baling ang mga mata ko sa dalawa.

"Naku wag na sissy, nilibre na ako nito kanina ng pagkain. Busog pa kami. " sagot naman ni Anicka.

"Okey! Kayo ang bahala." sagot ko.

Hindi ako mapakali. Iniisip ko kasing baka maisipan ni Iori na pumunta ulit dito sa bahay at madatnan niyang andito si Kentrix. Baka mamaya kung ano ang isipin niya. Pero inisip ko din, wala naman na akong magagawa, alangang palayasin ko sila. Para naman akong walang manners nun kung ginawa ko yun? Atsaka, it's a friendly visit lang naman. I'm sure naman na malaki ang utak ni Iori at hindi basta basta magpapadala sa emosyon niya. 

"Kamusta? Medyo matagal tagal tagal na din yung huli nating pagkikita ah. Buti sinunod mo ang advice ko" nakangiti si Kentrix pero kita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Oo nga eh, siyangapala, salamat ulit dun sa binigay mo sa akin ah. Ahm, newai pinag-isipan ko ding mabuti yung mga sinabi mo then napag isip-isip ko na it's about time na nga na baguhin ang pasya ko for the sake of our baby. And besides, hindi naman talaga siguro siya mahirap mahalin eh kung pag-aaralan ko lang ng maigi." nahihiya akong mag open up sa kanya dahil ex ko pa din siya pero dahil na rin na sa siya na ang unang nagsalita at nag topic bout sa amin ni Iori, pinaliwanag ko na din kung ano talaga ang nasa puso ko.

"Totoong masaya ako para sa inyo. Ninong ako ni bebe ah!" Ngumiti siya at nag approve sign. Pero damang dama ko pa din sa boses niya ang lungkot. Binalewala ko na lang ang nararamdaman ko. Inisip ko na lang na kahit papaano, may kirot sa puso niya yun kaya lang wala na siyang magagawa pa.

Ngumiti na lang ako tanda ng pagsang ayon sa sinabi niya.

Ilang oras din kaming nagkuwentuhan, nagtawanan at nag-asaran. Katulad ng sa amin ni Iori, Tila nawala na din ang pader na nakapagitna sa aming dalawa. Bumalik ang sigla sa buo kong sistema.

Dumating na din si Papa galing work. Nabigla pa nga siya ng makita niya si Kentrix. Pero agad ding napawi ang pagkabigla niya. Nagmano si Kentrix tulad ng inaasahan ko. Kilala na kasi siya ng family ko since nung nag iis-start pa lang ang relationship namin. Madalas kasi siyang dumalaw sa bahay at madalas din niya akong hinahatid kapag uwian na namin sa school. Hindi kasi mahigpit sila Mama sa akin kaya kahit na maaga akong nagkaroon ng boyfriend ay hindi naman nila ako pinagbawalan. Pinapangaralan lang nila ako parati. Kaya nung nasaktan ako, sobra silang naawa sa akin at medyo nagtampo na din kay Kentrix. At neto ngang nakapag usap na kami ni Kentrix about sa mga nangyari. Naikuwento ko din kila Mama at Papa ang totoong dahilan kung bakit niya ako iniwan. Kaya nagbago ang image niya kila Mama. Yun nga lang sabi ni Papa, naging duwag daw siya noon at hindi man lang niya sinabi ang totoo sa akin. Dun nga daw sana niya malalaman kung hanggang saan ba talaga ang pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ako pumayag na hindi sila dito kumain ng hapunan. Kaya kahit anong gawing excuses nilang dalawa, sa huli ako pa din ang nanalo. Wala silang nagawa dahil talagang magtatampo ako kapag hindi nila ako napagbigyan.

"Pagbigyan na nga natin si buntis. Baka sumama ang loob at pumangit ang inaanak natin." nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Anicka.

"Ah ganon, dahil lang kay bebe kaya kayo pumayag?" nag poker face ako sa kanila.

Mahinang tawa ang ibinato nila sa akin. Sabay sabay na kaming tumayo para pumunta na sa kusina.

Uupo pa lang sana ako ng marinig ko ang tunog ng doorbell.

Si Iori kaya yun? Wala naman ng iba pang pupunta sa ganitong oras eh. Ano kayang mangyayari kapag nagkita silang muli? Hindi naman ako kinakabahan dahil imposibleng magkasakitan sila. At mismong sa bahay pa namin ha at kaharap pa ang mga magulang ko. At isa pa, minsan na silang nagkita.  Pero kasi hindi pa naman kami ni Iori talaga nun. Hmp. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Mabuksan na nga lang ang gate.

"Leeana, ako na ang magbubukas ng gate maupo ka na dyan." sabi ni Mama. Tatalikod na sana ako para buksan ang gate ng magsalita ito.

"Opo." umupo na ako tulad ng sabi niya.

Hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa taong papasok ng kusina o sa sasabihin ni Mama kung sino yung taong pinagbuksan niya. Namamawis ang palad ko at butil butil ng pawis ang lumabas sa aking noo.

"Hija, nasa sala si Iori." wika ni Mama habang patungo na sa mesa. "Ikaw na nga mag-aya dun at nahihiya pa ata." dugtong ni Mama sa sinabi niya.

Tumayo ako habang nakahawak ang isang kamay sa bewang. "Opo." tuluyan na akong lumabas ng kusina. 

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon