23

76 5 0
                                    

"Leeana! Tara na kayo kakain na tayo." sigaw ni Tita

"Opo!" sagot ko. "Tara na kain na muna tayo bago tayo umalis." pag-aaya ko sa kanya.


Tumayo na siya upang muli akong alalayan. Tumuloy kami sa hapag. Handa na ang lahat at mauupo na lang kami. Naglead ako ng prayer bago kami nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa binasag ni Tita ang katahimikan naming lahat.


"Siyangapala Iori, anong balak nyo ni Leeana, magpapakasal na ba kayo agad bago siya manganak o tatapusin nyo na munanng makapanganak siya?" si Tita


Si Tita talaga hindi muna nagpaalam sa lahat ng itatanong eh. Kung makatanong biglaan. Na shock kaya ako dahil hindi ko expected na pag-usapan ang mga ganoong bagay. Ni sa hinagap hindi ko pa iniisip ang tungkol sa kasal. Napatingin ako kay Iori at  hinihintay ko kanyang sagot.


"Ahm, sa totoo lang po, as soon as possible sana makasal kami. Kaya lang po, iniisip ko pa din po si Leeana. Gaya ng sinabi niya, pag-aaralan niya akong mahalin. Ayokong panghimasukan agad ang buhay niya. Ayokong pumasok siya sa isang sitwasyon na hindi na siya pwedeng makalabas. Sa tingin ko po, hihintayin ko na lang po muna siya hanggang sa matutunan niya akong mahalin. At pag nalaman ko agad na mahal na niya ako, ora-mismo, aasikasuhin ko agad ang kasal namin." nakatingin siya sa akin habang nagsasalita. Kitang kita ko ang sinseridad sa lahat ng kanyang sinasabi.


Napayuko tuloy ako sa mga narinig ko. Nahihiya ako dahil wala akong mahagilap na salita sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko sa mga sinabi niya. Nabablangko ang isip ko. Basta ang alam ko lang, MAHAL na MAHAL niya ako na hindi ko pa kayang tumbasan agad ang pagmamahal niyang iyon. Itinuon ko na lang sa pagkain ang mga mata ko.


"Siyangapala Leeana, alam na ba nila Chit na uuwi ka ngayong araw?" baling ni Tita sa akin.


Napaangat ang ulo ko. Inubos ko na muna ang laman ng bibig ko bago ako nagsalita.


Umiling ako. "Hindi pa Tita!" Balak ko po sana silang isurprise. Bahala na!" ngumiti ako at sumandok ulit ako ng kanin.

"Oh Leeana, hinay-hinay na sa kanin at malapit na ang due date mo. Paglabas mo na lang patabain ang anak mo kesa andyan pa lang sa tiyan mo  ay masyado mo na siyang pinapalaki. Ikaw din, baka mahirapan ka sa panganganak." saway sa akin ni Tita.


Tatawa-tawa sa akin si Iori kaya napakamot na lang tuloy ako sa ulo.


"Eh kasi naman Tita ang sarap kayang kumain."


Umalingawngaw ang tawanan namin sa buong kabahayan.


Pagkatapos naming kumain. Konting pahinga lang at inayos na namin ang mga dadalhin namin. 2 malalaking bag at 1 maleta ang gamit ko. Kung alam nga lang daw niya na sasama na ako sa kanya, sana daw umarkela siya ng sasakyan. Di bale, magpapaservice na lang kami sa tricycle hanggang sa istasyon ng bus.


MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon