39 [ wakas ]

56 3 0
                                    

Halos maghingalo na ako sa pagtagis ko. Alam kong wala ng mapapala pa ang pag-iyak ko. Pero sa tuwing maaalala o mapag-uusapan siya, hindi ko maiwasang hindi umiyak. Labis pa din akong nasasaktan sa mga nangyari para sa amin. Pero sabi nga ni Anicka, malalaman ko din kung bakit siya nawala sa akin. Ito na kaya yun? Ang muling magkrus ang aming landas ni Kentrix? Siya nga ba ang pinadala para sa amin ni Ice? Nararamdaman kong pinagmamasdan niya ako pero balewala na sa akin yun. Wala akong pakialam kung tumulo man ang sandamakmak na luha sa aking mga mata. Ang gusto ko lang mangyari ay mailabas ko ang sikip ng nararamdaman ko sa aking dibdib. I need space pero hindi ko maisakatuparan ang lahat kung patuloy ko pa ding inaalala ang kahapon naming dalawa ni Iori.

"Calm down Leeana! Be brave enough to face the truth. Sorry ha kung naungkat pa naten ang tungkol sa kanya. Wala na kasi akong balita kinabukasan after ng celebration. Pinili kong magpakalayo-layo at hanapin ang sarili ko. Nagbabakasakaling makalimutan ka pero hindi ako nagtagumpay."

Tinitigan ko siya at pinakalma ko ang aking sarili. After all, ako pa din pala ang mahal niya. Alam kong sa sulok ng puso't isipan ko, nagkaroon ako ng chance para sa aming dalawa.


Mabilis na tumakbo ang araw, kasingbilis ng mga pangyayari. Mas madalas na ang dalaw niya sa amin at panay ang bonding nila ni Ice. Hindi ko maitatanggi sa aking sarili na natutuwa ako sa mga nakikita ko. Magiliw sila sa isa't isa. Tanggap niya si Ice at alam kong gusto din siya nito. Yun ang pinaka importante sa akin, ang makita kong masaya ang anak ko sa taong tanggap siya ng walang pag-aalinlangan.

Mas lalo siyang naging vocal sa damdamin niya at dahil dun, ang dating paglimot ko sa kanya ay tila isang panaginip na lang dahil heto na naman ako at unti-unting umuusbong sa puso ko ang naudlot kong damdamin para sa kanya.

Bumalik ang sigla ko na halos mapansin ng lahat. Ito na ba ang tamang panahon para bigyan ko ulit ng kulay ang buhay ko? Kung tutuusin, may pinagsamahan na din naman kami at hindi na kami mahihirapan pang pakibagayan ang isa't isa.

Siguro para nga talaga kami sa isa't isa! Madalas kasing nabibigyan kami ng pagkakataong magkita sa maling panahon pero sa huli, naging tama na ang lahat para sa amin.

Sinong makakapagsabi, na sa huli KAMi PA DiN. Hindi ko inaasahan na  sa muling pagku-krus ng aming landas ay tuluyan na kaming magkakaayos at maisasakatuparan na din sa buhay ko ang naudlot naming kasal ni Iori. Hindi na nga lang si Iori kundi si Kentrix na ang magpupuno ng lahat ng mga pagkukulang ni Iori sa aming mag-ina.

1 week bago ang kasal namin ni Kentrix ay muli akong dumalaw sa puntod ni Iori. Na kahit na hindi ko na maririnig pa ang isasagot niya gusto kong ipaalam sa kanya na magpapakasal na ako sa taong tanggap ang aming anak. Alam kong magiging masaya din siya sa naging desisyon ko. Alam kong gugustuhin din niyang may makalakihang ama ang aming anak. Nangako din ako sa kanya na habang nabubuhay ako, ay hinding hindi ko siya kailanman makakalimutan. Nakaukit na siya sa isang parte ng aking puso at hinding hindi na mabubura pa yon.

" YOU MAY NOW KISS THE BRIDE." sabi ng pari. Palakpakan ang lahat.

Matagal na naglapat ang aming mga labi. Halos manginig ang buong sistema ko ng hagkan ako ni Kentrix. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang dulot ng halik niyang yun. Ako na ang pinakamasayang babae nung mga oras na yon.


"I LOVE YOU FOREVER MAHAL!"  buong lambing na ibinulong sa akin ni Kentrix.

- END -


MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon