21

84 4 0
                                    

Nanlaki talaga ang mata ko sa taong nabungaran ko sa harap ng pintuan. Hindi ko ineexpect na si Iori ang makikita ko. Iniisip ko pa lang na makipagkita sa kanya, pero heto na nga siya sa harapan ko ngayon. Hindi siya sa mukha ko nakatingin kundi sa malaking tyan ko. Ramdam ko din ang biglang pag galaw ni bebe sa loob. Sobra ang galaw niya na halos mapasandal ako sa gilid ng pintuan dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napangiwi tuloy ako at napahawak sa balakang. Masaya siguro si bebe dahil ramdam niya ang presensya ng kanyang ama.


"Paano mong nalaman...." napahinto ako sa pagsasalita ng buong higpit niya akong yakapin. Halos hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

"Kay tagal kitang hinanap!" gumagaralgal ang boses niya. Umiiyak siya. "Totoo nga! Totoo ngang buntis ka." Lumayo siya ng konti sa akin para makita ang aking mukha pero hindi pa din niya inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.



Hindi pa din maalis sa aking buong sistema ang pagkabigla ng makita ko siya sa along harapan  Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko na hindi ko kayang ipaliwanag. Inaamin kong namiss ko siya. Ang dating kami na wala pang pader na nakapagitna sa aming dalawa. At ng maka recover ako sa pagkabigla, inalis ko ang mga kamay niya na nakayakap sa bewang ko. Umayos siya ng pagkakatayo at agad niyang kinuha sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang panyo. Pinahid niya ang kanyang mga luha.



Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, at ngayong andito na siya wala na akong magagawa pa. Pinapasok ko siya at saglit akong nagpaalam na kukuha na muna ako ng maiinom sa kusina. Pagkapasok ko sa kusina ay biglang bumuhos ang kanina pang gustong kumawala sa aking mga mata. Napaupo ako at halos walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Yamang andito na din siya, ay sasama na ako. Yun din naman ang plano ko eh, ang malaman niya kung ano ang kalagayan ko ngayon. Hindi ko naman gagawin itong desisyon ko na ito para sa sarili ko lang. Kailangan siya ng bebe ko. Kailangan  niya ng isang ama na maghuhubog sa kanya. Kailangan niya ng isang ama na gagabay sa kanya. Oo alam kong maari ko ding gawin ang lahat ng iyon pero sa pagkakataong ito na hindi naman siya ang may pagkukulang dito kundi ako, nararapat lang siguro na huwag ko siyang ilayo sa kanyang ama. Hindi naman siguro kalabisan para sa akin na pag-aralan ko siyang mahalin. At gusto ko ding mapatunayan sa sarili  ko na nagkamali pala ako ng desisyon noong lumayo ako sa kanya.



Pinahid ko ang aking mga luha at tumayo na din agad. Medyo matagal tagal na din akong wala sa kanyang  paningin at baka kung ano pa ang isipin niya kung bakit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa ako lumalabas sa kusina. Nagtimpla ako ng juice at gumawa ng sandwich. Pagkatapos kung gawin ang lahat ng iyon ay  agad din akong lumabas sa kusina.


Nakita ko siyang tumayo at agad niya akong sinalubong.


"Ako  na ang magdadala." inilahad niya ang kanyang kamay at sinenyas niyang iabot ko ang tray sa kanya. Inabot ko naman at sabay na kaming naglakad hanggang sa sala.

"Paano mo ako natunton?" pag-uusisa ko.

"Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi sa akin. Ang mahalaga, nakita na kita at sana huwag ka na muling mawawala sa aking paningin." malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin.Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pangungulila nya sa akin.


Napayuko ako sa sobrang hiya ko sa kanya. Pinagsalikop ko ang aking mga palad. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa aking harapan. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat niya ito. Sinisikap niyang hulihin ang mga mata ko. Nahahabag ako sa kanya. Kumikirot ang puso ko sa mga pinapakita niya.


MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon