38

43 1 0
                                    

Madalas ko pa ding naaalala si Iori. Hindi ko alam kung hanggang kelan ba ako makakalaya sa kanya. Araw-araw pa din akong umiiyak lalo na sa gabi. Namimiss ko pa din siya. Isang taon na nga ang nakalipas pero hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya. May mga nagpapasaring na manligaw sa akin pero ang lahat ng yon ay binalewala ko. Kuntento na ako as a single mom. Pero minsan naiisip ko din, tama rin naman si Anicka, masyado pa akong bata para kalimutan na ang salitang PAG-iBiG. Siguro hindi pa napapanahon pero alam kong darating din sa akin na iibig akong muli. Sa tamang panahon at sa tamang pag-ibig.


"Ice! Papasyal tayo ngayon kasama si Tita Anicka. Tama na yang laro mo at maliligo na tayo." Tumayo agad si Ice at iniwan ang kanyang mga laruan. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Kapag narinig na niya ang salitang aalis tayo, kahit anong ginagawa niya iiwanan niya talaga ang mga ito. Bihira lang kasi kami umalis ng bahay.



Tapos na kaming magbihis ni Ice ng makareceive ulit ako ng text kay Anicka.


Anicka : Hey sis, sorry ha! pro cancel ang lakad naten. D2 kme now sa ospi. Nadulas kz c Na2y ee, kailangang tahiin ang sugat niya. Sori tlga aa! 'ope u understand.

Me : Nuh kb! auz lan. asikasuhin mu muna c tita. Madami pa nmang nxt tym ee :)

Anicka : Thanks sis! Text you later.

Me : Okey! Balitaan mu q ha. Ingats keu.

Anicka : Tnx sis. Sori tlga ha. Muahugs.


Hindi na ulit nagreply si Anicka. Napabuntong hininga ako ng malalim. Baka umiyak si Ice kapag sinabi kong hindi na kami matutuloy. Kami na lang siguro ang aalis. Sayang naman ang bihis namin at isa pa sobrang excited ni Ice kanina ng marinig niyang aalis kami at bibilhan ko siya ng laruan. Nag promise kasi ako at ayokong masira ako sa kanya. Gusto kong matutunan niya ang mga mabubuting gawi at kailangang nagsisimula ito sa akin. 


"Nak tara na alis na tayo!" nilapitan ko siya at muli kong inayos ang damit niyang suot bago kami  tuluyan ng lumabas ng bahay.


@ MALL

- TOY KiNGDOM -


Habang tumitingin kami ng laruan ni Ice, may isang pamilyar na likod ang siyang nakakuha ng aking atensyon. Si Kentrix kaya yun? Ang naaalala ko, after ng 1st birthday at binyag ni Ice ay nawalan na ako ng balita sa kanya. Almost 1 year na din ang nakalipas at ngayon nga ay muli na namang magkukrus ang aming landas. Sa isang taon na yun, ni hindi man lang siya sumagi sa isip ko dahil puro si Iori ang laman nito. Hindi rin naman namin siya napag-uusapan ni Anicka nung mga panahon na hindi siya sa amin nagpapakita. Naging busy busy din kasi kami ni Anicka kaya madalang din kami kung magtext. Para siyang bula na bigla na lang naglaho sa sistema naming dalawa. San kaya siya nagpunta nung mga panahong nawala siya? Maging nung huling lamay ni Iori ay hindi ko siya namataan. Hindi kaya nag-asawa na din siya at sadyang hindi lang niya ipinaalam sa amin? Ano naman kaya ang ginagawa niya dito sa toy kingdom? May anak na din kaya siya?


HIndi ko alam kung bakit parang hinihila ako ng mga paa ko patungo sa kanya. Gusto kong malaman kung siya nga ba talaga yung taong nakatalikod at ngayo'y nagbabayad ng kanyang mga pinamili. Siya nga ba talaga ang nag mamay-ari ng likod na yun? Pero hindi ako pwedeng magkamali, alam kong siya yun. Kaya para makasigurado, binalak ko talagang lumapit sa kanya.


MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon