Muli ko na namang naalala ang ginawa niyang proposal. Nangingiti ngiti ako habang sinasariwa ang gabing yun. Ang daya-daya nga nila Mama at Papa kasi naging kasabwat pala sila ni Iori sa balak niyang pagpo-propose. At ang proposal na yun ang pangalawa sa pinakamagandang nangyari sa aking buhay. Siyempre una sa lahat ay ang pagdating ng babhieyo ko sa amin. The night he held my hand and gave me that ring, I felt complete. Sobra ang iyak ko at hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa amin. Basta ang alam ko lang, si iORi na ang makakasama ko habangbuhay. Hindi din ako nag-atubiling sumagot when he asked me to be his wife. Now i've realized how much i LOVE HiM and how much i CARE our relationship.
Napapikit akong muli at sinariwa ang halik na pinagsaluhan namin nung gabing yun. Feeling ko mauubusan na ako ng hangin sa tagal ng paghalik niya sa akin. Ang sarap pala ng feeling kapag mahal mo yung humahalik sa iyo. Yung tipong hindi mo na kailangan pang magpanggap. Gumanti ako ng yakap sa kanya at may ibinulong siya sa akin. "i LOVE YOU SO MUCH YENOH ! i CHERISH EVERY MOMENT WHEN i'M WiTH YOU. THANKS FOR SHARiNG YOUR LiFE WiTH ME COZ i CAN'T iMAGiNE MYSELF WiTHOUT YOU!
Humiwalay ako ng kaunti sa kanya pero yakap-yakap pA din niya ako. Kinurot ko ang kanyang pisngi sa sobrang gigil ko. "Ang daya mo pero masayang masaya ako kasi hindi ka tumigil na hanapin ako at iparamdam sa akin kung gaano mo ako kamahal at pinapahalagahan. Sorry sa mga panahong pinasakit ko ang ulo mo kakahanap mo sa akin." tumigil ako sa pagsasalita at bahagyang ngumiti bago ko itinuloy ang sasabihin ko. "Sorry sa mga panahong nasaktan kita. Now that you gave all your best to show how much i mean to you, the only thing i want to promise is to be with you for the rest of my life. Ikaw naman ang mag promise sa akin na hinding hindi mo ako iiwanan." Tumango siya at buong puso niya akong hinagkang muli.
"Yenoh, kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka pala nakikinig." rumehistro sa mukha ko ang pagkagulat. Dumating na pala siya at titig na titig sa akin.
"Sorry, kanina ka pa ba dyan???" pag-uusisa ko.
"Ay hindi kadarating dating ko pa lang. Mukhang busy ka sa iniisip mo. May pangiti-ngiti ka pa dyan. Malamang ako na naman yang iniisip mo noh?" tatawa-tawa siyang lumapit sa akin.
Ngumiti ako at yumuko. Nakakahiya! Baka kung anu na naman ang iniisip niya.
"May dala akong pasalubong sa iyo." at inabot niya sa akin ang isang paper bag na may nakabalot na mga pagkain.
"Salamat! Sabay na tayong kumain." patayo na ako ng makaramdam ako ng pananakit ng tiyan ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit kung kaya't nabitawan ko ang paper bag na inabot niya.
"Arrgh! manganganak na ata ako yenoh. Hindi ko na kaya ang sakit." nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi siya mapakali at agad na lumapit sa akin at inalalayan akong makatayo.
"Asan si Tita?" tanong niya.
Pasinghap singhap ang paghinga ko at talagang hindi ko na makaya ang sakit na nararamdaman ko. Sumenyas lang ako na wala si Mama.
"Saglet at kukunin ko lang yung mga gamit ng bata." at patakbo siyang pumasok sa kuwarto ko. Saglet lang din at lumabas na siya at muli siyang tumakbo sa akin.
"Tara na! Kaya mo pa bang maglakad?!" tanong niya sa akin.
Tumango ako na halos mangiyak ngiyak sa hindi ko maipaliwanag na sakit na nararamdaman ko. Dire-diretso kaming lumabas at saktong may dumaan na taxi sa tapat ng bahay. Pinara niya ito at agad kaming sumakay. Sinabi niya ang hospital kung saan ako manganganak at sinabi din niya sa driver na kung maaaring bilisan ang pagda-drive. Tumango lang ang driver sa kanya.
Kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Magkahalong excitement at takot ang nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari pagdating namin sa hospital. Ilang minuto lang ang lumipas narating na namin ang hospital kung saan ako manganganak. Agad akong inasikaso ng mga nurse, habang si Iori naman ay hindi magkandaugaga sa pagkilos niya.
[ AFTER 1 HOUR ]
May 26, 2012
Nagsilang ako ng isang cute na cute at malusog na baby boy. Sa wakas nakaraos na din ako sa sakit na naramdaman ko. Ang sarap ng feeling na katabi ko na si babhieyoh. Though ramdam ko pa ang hina at pagod nung time na inilalabas ko si baby. Walang kapantay naman ang kaligayahan ko ng makita ko siya at makatabi.
Katabi ko ngayon si Iori na ngingiti at gigil na gigil sa kanyang anak. Titig na titig siya habang kinakausap niya ito. Ang sarap nilang tingnan. Hindi ko lubos maisip na heto ako ngayon at masayang masaya sa ginawa kong desisyon. Nagkamali talaga ako nung iwan ko siya noon.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito. Ngumiti lang ako sa kanya bago ko ulit ipinikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...