12

104 5 0
                                    

Nagmamadali akong umuwi ng bahay at ikinuwento ko kay Mama at Papa ang lahat. Sinabi ko ding gusto kong magpakalayo-layo na muna. Sinabi naman ni Mama na dun na daw muna ako sa kapatid niya. May maliit daw na negosyo yon kaya maaari akong makatulong. Hindi siya kalayuan sa amin pero ang nais ko lang ngayon ay ang makaalis kaagad ng bahay. Sinabi ko na din sa kanila na incase hanapin ako ni Iori sabihin nilang hindi nila ako nakita. Gusto kong mapag-isa at hanapin ang aking sarili.


Kinabukasan, bitbit ko ang isang malaking maleta ay pansamantalang nilisan ko ang bahay. Nagpunta ako kila Tita. Gusto kong lumayo sa dalawang lalaking naging parte ng buhay ko. Tumawag na lang ako sa trabaho ko na hindi na ako makakapasok pa. Tutal malapit na akong ma-endo (end of contract)  kaya ninais ko na lang na magresign. Hindi ko na sinabi pa kung ano ang tunay na dahilan. Pumayag naman ang management kaya wala akong naging problema. Balak ko sanang mag-awol pero ayoko namang magkaroon ng bad record sa kumpanya.

Habang nasa biyahe ako ay panay ang tunog ng cp ko. Hindi ko naman alintana yun dahil alam kong sa clan lang galing ang mga text na iyon. Maya-maya lang ay may tumatawag na. Tinignan ko ang cp ko at nakita ko ang pangalan ni Iori sa screen. Nalulungkot ako dahil iniwan ko siya sa ere ng ganun-ganon na lang. At iniwanan ko pa siya ng isang ala-alang hindi namin parehas makakalimutan.

Inalis ko ang baterya ng cp ko at hinugot ko ang sim duon. Winasak ko muna bago ko ito itinapon sa daan. Mahalaga sana ang sim kong yon pero sa pagkakataong ito ayaw kong magkaroon pa siya  ng dahilan na maitext ako o matawagan. Bibili na lang ako ng bagong sim at itetext ko na lang sila Mama para malaman nila ang new nos. ko.

Pagkarating ko kela Tita Belen ay tahimik lang sila. Alam kong alam na din nila ang mga nangyari sa akin. Walang gustong magsalita at wala din naman akong balak pa na magkuwento. Maaalala ko na naman ang tinakasan ko. Okey naman sila Tita at Tito. Wala silang naging anak kaya pansamantala, ako ang naging anak nila. Dahil sa kanila, madalas kong maalala sila Mama at Papa. Namimiss ko na sila.  Sa mga unang linggo, phone lang ang tangi naming komunikasyon.

Ibinalita nila sa akin na halos araw araw kung magpunta sa bahay si Iori at nagbabakasakaling makakuha siya ng mga detalye kung nasaan ako. May mga pagkakataon din na mukha daw nakainom kapag nagpupunta dun. Naaawa ako sa kanya pero alam kong ang paglayo ko ang pinaka magandang paraan para sa aming lahat.

Bakit ba hindi ko siya kayang mahalin gayong wala naman akong maipipintas sa kanya. Mabuti siyang tao at wala siyang ipinakitang masama sa akin. Nagkagusto din naman ako sa kanya pero bakit hindi niya makuha ng lubos ang puso ko. Bakit kailangan kong isakripisyo ang kaligayahan ko sa taong hindi ko nga alam kung iniisip din ba ako. Samantalang siya na nagsasaya sa bago niyang minamahal pero ako eto at nagdudurusa.

Haist!!! Ang sakit ko sa bangs.

Paminsan-minsan ay tinetext ko si Anicka. Buti na lang pala at nailagay ko sa wallet ko ang maliit na papel na ibinigay niya sa akin kung saan dun niya nilista ang nos. niya. Kung nagkataon, wala na akong communication sa kanya dahil nga biglaan din ang pagsira ko sa simcard.

Naikuwento ko na din sa kanya ang lahat lahat at nanghihinayang siya sa mga nangyari. Sinabi niyang bakit hindi ko pa daw dinagdagan ng ilang buwan para pag-aralan sanang mahalin si Iori. Sana daw pinag-ukulan ko ng panahon at baka sakaling matututunan ko din itong mahalin. Nakakahinayang lang at naging padalos-dalos din ako sa aking desisyon.

Lumipas ang dalawang buwan at naging busy busy na din ako sa maliit na grocery nila Tita. Ako na nga ata halos ang nagpapatakbo ng negosyo nila. Nakatulong ang pagiging abala ko sa maraming bagay at ang paglayo ko sa kanila para unti-unti silang maalis sa isipan ko.

May mga pagkakataong nahihilo at nag-iiba ang timpla ng panlasa ko. Masyado siguro akong nagiging workaholic kaya siguro nararanasan ko ang mga iyon. Binalewla ko na lang ang lahat, tutal naman ay paminsan-minsan ko lang naman ito nararamdaman. May mga nagpapasaring din sa akin na balak manligaw pero lahat ng iyon ay binalewala ko. Hindi pa rin naghihilom ang mga sugat sa puso ko. Nakakatakot ng sumugal ulet sa pag-ibig. Hindi pa ako handa sa mga darating na pagsubok sa akin. Ayoko na ding makasakit ng iba pa kaya minabuti ko na lang munang mapag-isa. Tutal naman masaya pa din ako kahit single lang ako.

Kapag may pagkakataon, nagkikita kami ni Mama sa ibang lugar. Namamasyal kami at kumakain sa labas. Kung minsan naman sa bahay kami nila Tita Belen at dun siya natutulog ng isa hanggang dalawang araw..

Gustong gusto ko na ding umuwi sa bahay kaya lang hindi pa siguro napapanahon. Dalawang buwan pa lang ako dito kila Tita at hindi pa sapat yun para magkaroon na ako ng lakas ng loob na pakiharapan si Iori kung sakali.

Minsan, nagpaalam ako kay Tita na magpupuntang mall at bibili ako ng bagong damit at short. Pumayag naman ang mga ito dahil parehas silang mag-asawa na nasa bahay nung araw na iyon. Isang oras ang naigugol ko sa pag-aayos ng aking sarili bago ako nakaalis ng bahay.

Pagkarating ko sa mall ay naghanap na muna ako ng makakainan. Namiss kong kumain sa foodchain na madalas naming kinakainan ni Kentrix noon. Dumiretso ako dun dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at pagkalam ng sikmura.

Matapos kong umorder, ay naghanap na ako ng mauupuan. Dala dala ko ang tray habang titingin-tingin ako ng bakanteng upuan. Pakiramdam ko may tao sa likuran ko kaya napalingon ako. Namilog ang mga mata ko at hindi ko ineexpect na magkukrus muli ang aming landas.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon