"Anong ginagawa mo dito?" muntik ko ng mabitawan ang tray kong dala-dala. Napataas pa nga ang kilay ko sa kanya.
"Ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan. Anong ginagawa mo dito at dumayo ka pa talaga dito para magmall lang?" napangisi si Kentrix na siyang kinainis ko. Kahit kelan talaga, kahit sa simpleng gesture lang niya minsan naiinis ako what more pa kaya sa mga taong hindi siya kabisado, maaantepatikuhan kang talaga sa kanya.
"Eh, ano bang pake mo." pagtataray ko. napaismid tuloy ako ng wala sa oras. Eh teka, ano ngang ginagawa mo dito?"
Umaasa na naman akong sinusundan niya ako. Feelinggera na naman ako.
"Dito kasi kami malapit nakakuha ni Mama ng house for rent. Last month pa kaya kami nakalipat. Siyangapala, bakit nagresign ka pa sa store eh paendo na tayo non?"
"Ahm, kasi ano eh, ah basta mahabang kuwento na hindi mo na kailangan pang alamin." patataray ko na naman sa kanya.
Saglet na nanahimik bago siya muling nagsalita.
"Kasama mo ba siya?" tanong niya
Umiling ako. Wala siyang alam sa mga nangyayari sa akin dahil wala naman na talaga siyang pakialam sa akin. Ang alam lang niya, nagresign ako ng trabaho. Nothing more, nothing less.
Hindi ko inakala o sa hinagap man lang ng isipan ko na magkikita kaming muli. Way na siguro to ni God para magkausap kaming dalawa. Kaya lang lumayo nga ako para kalimutan silang dalawa pero hindi nga sinasadya at nagkrus ng muli ang aming landas.
Tulad ko may hawak din siyang tray at alam kong naghahanap din siya ng mauupuan kaya ang ginawa ko ay pinauna ko na siyang maupo dun sa nakita ko at maghahanap na lang ako ng iba. Pag-upo niya sa bakanteng upuan ay nagpaalam na ako sa kanyang maghahanap ng ibang upuan. Nung una hindi siya sumunod sa akin. Pero nung nakaupo na ako at inaayos ko na ang mga inorder kong pagkain ay agad siyang lumapit sa akin at walang kaabog-abog na naupo sa tapat ko.
"Oops, huwag mo ng isipin pang tumayo!" hinawakan niya ang kamay ko para ipaintindi sa akin na hindi na nga talaga ako pwedeng umalis. Pangiti-ngiti pa ang mokong.
Wala akong nagawa kundi ang manahimik na lang. Siguro eto na nga talaga yung pagkakataon para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...