17

88 5 0
                                    

Tahimik lang akong nakamasid sa labas habang tinatahak ng bus ang daan pauwi . Napapaisip ako sa mga ipinayo ni Anicka.

Tama! Sa ngayon, nabuo sa isip ko na siguro panahon na para sabihin ko na kila Mama at Papa ang lahat. Ayokong sa iba pa nila malaman ang kalagayan ko. Take note, WALANG LiHiM NA HiNDi NABUBULGAR. Pasasaan ba at malalaman din naman nila kapag lumobo na ang tiyan ko. Obvious na buntis nga talaga ako nun. At isa pa, sino naman ang makakasama ko kapag mag papa check-up ako. Wala naman akong alam dahil ngayon ko pa lang mararanasan ang ganitong sitwasyon.

Pagkarating ko sa bahay ay nagpalit lang ako ng damit at kinausap ko si Tita Belen. Gusto kong makausap sila Mama. Pero hindi ko na muna sinabi ang dahilan kung bakit kailangan ko silang kausapin. Tinawagan ni Tita si Mama at pinapupunta sila. Umoo naman si Mama at bukas na bukas din daw ay pupunta sila.

Tahimik kaming kumain ng hapunan at pagkatapos ay agad na din akong pumasok sa kuwarto. Masama ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ang unti-unting pagbigat ng katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagbubuntis ko o dahil ba ito sa bigla kong paglakas sa pagkain.

Hindi ako makatulog nung mga oras na iyon. Kahit anong pilit ko na ipikit ang mga mata ko ay gising na gisng pa din ang diwa ko. Biglang pumasok sa isip ko si Iori. Kamusta na kaya siya? Bakit naman kasi ginulo gulo ko pa ang buhay niya samantalang nanahimik lang siya bilang bestfriend ko. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng mga nangyari. Sinikap kong maging masaya sa piling ng iba pero hindi ko pala kaya. Masakit din para sa akin ang lahat kaya lang ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi ko magawang mahalin.

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan ang oras.

Kinabukasan kung hindi pa ako ginsing ni Tita ay hindi pa ako magigising. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko at dala na rin siguro ng puyat kaya napasarap ang tulog ko. Nahihiya akong nag unat sa harapan ni Tita at kukusot kusot ng mata para makita ko ang oras. Tumalikod na si Tita at agad akong nag ayos ng higaan.  Ilang minuto lang ang itinagal ko sa kuwarto bago ako lumabas at dire-diretsong nagpunta sa kusina para sana magluto ng almusal.

"Hija, maupo ka na dyan at mag-aalmusal na tayo. Maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng almusal natin." Nag aayos na siya ng mesa ng datnan ko.

"Opo." Lumapit na ako sa hapag at naupo.

"Excited kasi ako sa sasabihin mo kaya napaaga ang gising ko." tatawa tawa si Tita habang umuupo. "Roberto, tara na at mag-aalmusal na tayo." pasigaw niyang tinawag si Tito.

"Sige andyan na! sigaw din ni Tito. Malamang nasa banyo yun at maagang naligo.

Napayuko ako sa tinuran ni Tita. Excited sila samantalang kinakabahan ako sa isisiwalat ko.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon