35

48 2 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay, hinanap ko agad ang mga balikat ni Mama at dun ako umiyak ng umiyak.

"Ma wala na siya! Iniwan na niya kami. Bakit ganon, halos isang taon lang niya sa amin pinadama kung paano ang maging masaya.  Ang daya niya talaga.  Magpapakasal pa kami pero hindi na yun matutuloy pa dahil iniwan na niya kami. Paano na kami ngayong wala na siya." inaalo ako ni Mama at nararamdaman kong unti-unti na ding pumapatak ang kanyang mga  luha.

"Tatagan mo ang yong loob anak. Hindi natin hawak ang ating buhay dahil ang Panginoon lang ang nakaka alam kung hanggang kelan lang ang itatagal natin dito sa mundo. Hindi naman natin kagustuhan ang lahat ng nangyari. Sa tingin mo ba, gusto din niyang iwanan kayo ng ganun kaaga? Huwag ka ng umiyak anak. Nandidito lang kami ng Papa mo sa iyong tabi. Andyan pa si Ice na iniwan niya sa'yo." Mahigpit ang yakap niya sa akin. Pero hindi sapat ang yakap niya para mapawi kaagad ang sakit na nadarama ko. Para akong sasabog sa sobrang sama ng aking loob. Naghuhurementado ang puso ko dahil hindi ko lubos maisip  na sa sandaling panahon lang siya ibinigay sa akin. Sobra akong nanghihinayang sa mga panahong iniwasan ko siya. Sa mga panahong binalewala ko siya. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan babaguhin ko ang lahat ng maling nagawa ko sa kanya.




Marami siyang mga pangako sa amin na hindi na yon matutupad. Marami siyang mga pinangarap para sa amin pero ang lahat ng yon ay hanggang pangarap na lang dahil kinuha siya ng napaka aga.  Kahit saan ako tumingin, siya palagi ang nakikita ko. Ang kanyang mga ngiti na nagbibigay buhay sa akin ay hindi ko na masisilayan pa. Mamimiss ko ang kanyang pang-aasar. Ang pangungulit niya sa akin na tila walang sawa na noon ay kinaaasaran ko ng madalas pero ngayon mamimiss ko ang lahat ng yon. Ang walang sawa nyang ipinaparamdam sakin kung gaano niya ako kamahal at pinapahalagahan.




Mahigpit kong niyakap si Ice habang natutulog. Halos hindi ko maiwasang titigan siya dahil naaalala ko sa kanya ang mukha ni Iori.  "Baby, tayo na lang ulit. Wala na si Daddy, iniwan na niya tayo. Di bale andito pa naman ako at hinding hindi kita iiwan. I love you anak. Kung nasaan man si daddy ngayon, malamang naiinggit sa atin ngayon yun kasi hindi na nya tayo makakasama pa." Pinugpog ko ng halik ang bata kahit na natutulog pa siya. Muli, naiyak na naman ako. Dati rati, kapag pinupugpog ko ng halik si bebe, ako naman ang pinupugpog ng halik ni Iori. Tapos sabay naming yayakapin si Ice at sabay din namin siyang hahalikan. Pero ngayon, wala na siya. Wala na akong kasabay na hahalik sa pisngi ng bata.

_____

Nagpunta na sila Papa sa ospital. Inasikaso na nila ang labi ni Iori. Bukas ang dating niya sa bahay. Ipinaalam ko na din sa mga magulang niya ang nangyari. Walang humpay ang kanilang pag-iyak. Hindi nila akalain na ganun kaaga siyang kukuhain. Sinabi nilang uuwi sila bago pa ito mailibing.





[ KiNABUKASAN ]


Dumating na nga ang kanyang labi. Tulala lang ako habang inaayos ang kanyang kabaong sa sala. Ubos na ba ang luha ko dahil hindi ko na makuhang umiyak? simula pa lang kasi ng malaman kong naaksidente siya, maya't maya ang pagtulo ng aking mga luha. Naisip ko din na kahit anong iyak ko, hinding hindi na maibabalik pa ang buhay niya.




Dagsaan din ang mga taong nagpunta nung araw na iyon. Ang mga ka clan namin, mga kaibigan namen at mga kamag-anak nameng dalawa.  Kahit na anong kausap nila sa akin, ramdam nilang wala ako sa presensiya. Madalas pa na nasa kuwarto lang ako at kasama si Ice. Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa kanya. Ayokong isipin na wala na talaga siya. Gusto kong manatili ang presensiya niya sa aming mag-ina.

Halos hindi din ako makakain dala ng pangungulila ko sa kanya. Nung nabubuhay pa kasi siya, hindi ako kumakain hanggat hindi kami magkasabay. Pero minsan, kapag may mga lakad siya at mahuhuli ng uwi, sumusubo lang ako ng kaunti para pag-uwi niya, sabay pa din kaming kakain. At ngayong wala na siya.... Maraming bagay akong dapat na i-adjust.. Maraming bagay akong dapat na matutunan ngayong mag-isa na lang ako.

_____

Lumipas ang tatlong araw dumating na ang kanyang mga magulang. Tulad ko hindi rin sila makapaniwalang wala na ang kanilang nag-iisang anak. Tanging yakap lang ang kaya kong iganti kay mama (Iori's mom) dahil iniisip ko na lang na andyan lang siya at nakamasid sa akin. Ayaw na ayaw pa nun kapag umiiyak ako. Pumapangit daw ako at hindi na daw kami babagay sa isa't isa. Napangiti ako ng maalala ko ang kanyang sinabi. Haist!! I'm badly missing you yenoh.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon