"Magandang hapon po. Dito ho ba nakatira si Iori Quintana?" tanong ng pulis na kaharap ko. Pagkakita ko pa lang sa mga pulis dumagundong na agad sa dibdib ko ang kaba. Kasabay ng pag-iyak ni Ice ang pagbilis ng pintig ng aking puso.
"Opo dito nga po!! Bakit po!?" titig na titig ako sa kaharap ko at hinihintay ko ang kanyang sasabihin.
"Nasa emergency room po siya ngayon at wala hong malay. Naaksidente ho sila ng kasama niya..." tuloy tuloy pa ding nagsasalita ang pulis na kaharap ko pero nung mga sandaling iyon tila hindi na rumerehistro sa kamalayan ko ang mga sinasabi niya. Napayakap ako ng mahigpit kay Ice na tila wala sa sarili. Huminto naman sa pag-iyak ang batang paslit. Saglit akong natulala at hindi malaman ang gagawin. At ng makabalik na ako sa huwisyo agad kong tinanong ang hospital na pinagdalhan sa kanya.
Pag-alis ng mga pulis, dali dali kong tinawagan cla mama at ibinalita ang nangyari.
"Huh?? O cge pauwi na din kame. Tatagan mo ang loob mo anak. Everything will be alright. "
"Opo ma." Wala pa ding tigil ang paglandas ng aking mga luha. Parang kanina lang napaka lambing niya sa aming mag-ina. Halos ayaw pa sana niyang umalis dahil mamimiss daw nya agad kaming dalawa tapos ngayon hayun siya at walang malay na nakaratay sa hospital. Kung alam ko lang na premonition na kanina yung katamaran nya sa pag alis, eh di sana pala hindi ko na lang siya pinayagan. Sabagay, sino nga ba sa atin ang makakapag predict ng mga mangyayari sa atin kundi SiYA lang ang nakakaalam.
Ibinaling ko ang aking atensyon kay Ice na ngayo'y naglalaro ng kanyang chupapo na iniabot ko kanina habang tinatawagan ko si Mama.
"Ice anak, iiwan na muna kita kila mama ha! At kailangan ako ngayon ni daddy. I love you bebe. Daddy loves you so much kaya hindi nya tayo iiwanan." muling nangilid ang aking luha. Para namang nakakaintindi si Ice dahil habang kinakausap ko siya panay ang tingin niya sa akin habang nakangiti.
Ilang saglit pa at dumating na din sila mama. Humahangos silang lumapit sa akin at buong higpit nila akong niyakap. Gumanti din ako ng yakap sa kanila.
"Ma, kayo na po muna ni Papa ang bahala kay Ice. Pupuntahan ko lang po muna si Iori sa ospital."
"Sige na anak kami na ang bahala dito. Mag-iingat ka." sabi ni mama. May lungkot akong nakikita sa kanilang mga mata.
Dali-dali kong iniabot kay mama si Ice at agad akong pumasok sa kuwarto para magbihis. Intayin mo ako yenoh at padating na ako.
[ SA HOSPiTAL ]
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko habang mabilis kong inihahakbang ang aking mga paa. Dumiretso ako sa emergency room gaya ng ibinalita sa akin kanina ng mga pulis. Nadatnan kong ginagamot ang mga natamo niyang sugat sa aksidente habang wala siyang malay na nakaratay sa higaan .. Naghintay ako sa labas. Hindi ako mapakali kaya paroot parito ako sa paglalakad.
Maya maya lang, nakita ko na siyang inilalabas sa emergency room at tinatahak ang daan patungo sa kanyang kwarto. Wala pa din siyang malay. Sumunod ako sa mga doctor na umaalalay sa kanya. Dahan dahan akong naglakad na dapat sana'y nilalakihan ko na ang aking mga hakbang pero hindi ko maihakbang ng maayos ang aking mga paa. Nanghihina ako at nanginginig ang aking mga tuhod. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko habang binabagtas ko ang daan patungo sa pagdadalhan sa kanya.
[ ROOM 236 ]
Pagtapat ko sa pinto, nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang doorknob. Dahan-dahan kong binuksan ito at agad akong lumapit sa kanya. Gising na pala siya. Salamat naman. Kumaripas ako ng takbo palapit sa kanya at di mabilang na halik sa mukha ang ginawa ko. Nagulat pa siya ng makita niya ako sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]
Teen FictionSana dalawa ang puso noh , para hindi lang isa ang pwedeng mahalin .. :) Para sa iyo , sino ba ang pipiliin mo yung taong mahal mo pa din pero minsan ka na niyang nasaktan ng hindi mo alam ang dahilan O yung taong mahal ka pero nag-aalangan ka nama...