o2

145 5 0
                                    

"Leeana Javier at Kentrix Sandoval?" hinahanap kami ng mga mata ni Manong. Sabay pa kaming tumayo ni Kentrix at naglakad papunta sa glass door. Sinabi sa amin ni Manong na umakyat na kami sa 2nd floor at dun ang interview.



Sabay kaming pumasok sa glass door at halos sabay din ang mga hakbang namin paakyat ng hagdan. Magkatabi pa din kaming naupo pero walang gustong magsalita. Nagsimula na naman akong kabahan ng makita ko ang mag-iinterview.



Maya-maya lang ay tinawag na ang pangalan ko. Tinanong lang ng Mngr. yung mga nakasulat sa resume ko. After niyang mag-interview, sinabi niyang ipapaskil na lang nila ang resulta ng mga makakapasa. Sumunod na tinawag si Kentrix. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Gumanti na lang din ako ng ngiti sa kanya at dire-diretso na akong bumaba.



Makalipas ang isang oras, nakita na naming ipinapaskil na ng isang crew ang mga pangalan ng mga nakapasa. Agad kaming lumapit at sabay pa kaming tumingin sa isa't isa ng makita namin ang aming mga pangalan ..



"Congrats!" halos sabay din kaming nagsalita.

"Uuwi ka na ba?! Ihahatid na kita kung okey lang sa iyo!" inayos niya ang sumbrero niyang suot habang hinihintay niya ang tugon ko.

"Pasensya na ha! Magkikita kasi kami ngayon ni bi-ep. O pa'no una na ako sa iyo ha!" sabi ko habang hinahawi hawi ko pa ang buhok ko.

"Sige, Ingat na lang."



Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Gusto ko sanang lumingon ulit pero pinigilan ko na lang ang aking sarili.  Saktong may dumaan na fx kaya pinara ko ito. Mag ji-jeep lang sana ako pero fx ang unang nahagilap ng mata ko. Pagsakay ko sa fx ay nakita ko pa din si Kentrix na nakatayo pa din sa lugar kung saan ko siya iniwanan. Nakatingin lang siya sa akin kaya kumaway na lang ako pagtapat ng fx sa kanya.



Panibagong pakikipagsapalaran na naman dahil makakasama ko na naman ang taong patuloy na nananakit ng aking damdamin. Hays! napabuntong hininga ako ng malalim.



Naalala kong bigla si bespren. Napangiti ako sa kalokohan ko kanina.


Hinagilap ko ang cp ko sa bag at nagmamadali akong maitext siya. 30 minutes lang kasi ang biyahe ko mula sa pinag-aplayan ko hanggang sa kanila. Sa loob kasi ng trenta minutos madaming pwedeng mangyari kaya kailangan niyang malaman na sa kanila ako didiretso.


Kailangan naming mag-usap. Kailangan kong magpaliwanag.


Nasa gate pa lang ako ng kanilang bahay ay naririnig ko na ang ingay sa loob. Pailing-iling ako habang nakangisi. Wala pa ding pagbabago! May ilang buwan na din kasi akong hindi napapadpad dun. Dumiretso na ako sa loob ng bahay dahil madalas naman ako dun. Gamay ko na ang bahay kahit nakapikit pa ako. Madalas kasi kaming nagpupunta dun para tumambay.

MiNSAN LANG KiTANG iiBiGiN [ fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon