Chapter 7

1.5K 31 1
                                    

Irish's POV

"Are you sure na okay ka na?" Tyler asked. Hindi ko alam kung nakailang tanong na siya kung okay na ba ako. Kulit din ng isang 'to eh. I just slightly laughed.

"Okay na nga. Mas okay pa sa okay." paniniguro ko. After he saw me crying earlier, he didn't left me. He's not asking any questions but he comforted me without saying any word. He was just hugging me at nang mahimasmasan na ako kay niyaya niya ako sa isang Ice Cream Shop.

Thanks to Tyler because Ice Cream is my comfort food.

"You know, Thank You." I sincerely said.

"For what?" He asked while eating his Oreo Overload Flavored Ice Cream. One of my favorite flavors also.

"For... saving me again? I guess?" nahihiyang sabi ko.

He chuckled. "Being a night and shining armor is not that bad I think?"

"Well...oo, pero you didn't even know me? What if I'm a criminal? a killer?" pinanlakihan ko siya ng mata para takutin.

Natawa siya sa sinabi ko dahilan para mas sumingkit pa ang mata. Nakakakita pa ba tong chinito na to? Ako ang nahihirapan sakanya eh. "Ofcourse you're not. May killer bang sinasabing killer sila? Tsaka wala sa mukha mo." iling-iling na sabi niya.

I pouted. "Okay... Pero what if I'm a psychopath?"

"Hmm edi okay. I'll bring you to mental later." Napapout lang ako sa sinabi niyang yun. Tumawa naman siya ulit. "I was just making you laugh. Mas bagay sa'yo."

I smiled at him. "Pero you know Ty, Thank you talaga. Kahit kakakilala mo lang sa'kin, ang bait mo."

"Wala yun. Nung una palang kitang makita, magaan na yung loob ko sa'yo. Tsaka I think girls deserve to be treated that way? lalo na kung makita mong umiiyak sila? You know, I really hate it when I see girls crying." he said. I slightly smiled. Tyler is really kind and gentleman. Kilala siya bilang pogi at magaling na Basketball player, pero I didn't know na ganito siya kabait. "You know, ayokong tanungin kung bakit ka umiiyak kanina, pero gusto ko lang malaman mo na ayos lang na umiyak pag nasasaktan, pero try to ask yourself kung worth it pa bang umiyak ng dahil dun?"

Napatigil ako nang marinig ang tanong niya. Worth it pa nga ba? I smiled at him and didn't answer.

Nagkwentuhan pa kami ni Tyler tungkol sa kung ano-anong bagay. I even congratulated him dahil nag champion sila this season 80. Nalaman ko rin na lagi pala siya dito sa Ice Cream shop dahil Ice Cream din ang comfort food niya. Actually, I enjoyed talking to Tyler. He's very good in making conversation and he also has a sense of humor.

"So, I hope this is not the last?" sabi ni Tyler nang hinatid niya ako sa apartment. I refused nung tinanong niya ako na siya na ang maghahatid sa akin pero he insisted.

I nodded. "I hope too." Inantay ko munang makaalis si Tyler bago ako pumasok ng apartment. Pagkapasok ko sa apartment ay nakita ko sina Xands at Nat na parehas nakataas ang mga kilay. It seems like they're waiting for me. "What?" tanong ko.

"Si pogi ba yun?" kinikilig na tanong ni Nat.

"Pogi?" takang tanong ko.

"Si chinito boy! yung nameet natin nung pumunta tayo sa museum!"

"Ah."

"Bat kayo magkasama? kwento!" excited na tanong ni Xandy.

Nilapag ko naman ang bag ko sa center table at pabagsak na umupo sa sofa. I sighed nang makasandal ako sa upuan. "Wala."

"Anong wala? wag ka ngang pa showbiz diyan bes! Pinagdeliver lang kita ng cake pero pagkauwi mo nakasungkit ka na ng mistisong chinito!" naramdaman kong umupo sila sa tabi ko. Pinagitnaan nila akong dalawa. Tila kinikilig at naeexcite sa isasagot ko.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon