Irish's POV
"Ma, pasok na po ako." Paalam ko sa lola ko. Humalik ako sa pisngi niya at kinuha ang bag ko na nasa may sofa.
"Sige, apo. Mag-iingat ka... Teka saan ka pala sasakay?" Tanong ni Mama Tina.
"Ahh, kela Stacey, Ma. Susunduin siya ni Gelo." Sagot ko at pilit na ngumiti.
Bumaba naman na si Stacey na naka uniform at humalik din sa pisngi ng lola ko para magpaalam.
Pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng bahay at naabutan namin si Gelo na nakasandal sa kotse niya habang nag-aantay sa amin. Nakita kong kinilig naman ang katabi ko nang makita ang boyfriend niya.
Bahagyang kumunot naman ang noo ko nang makita na tatlo ang nakapark na kotse sa tapat ng bahay namin.
Kelan pa naging parking lot ang harap ng bahay namin?
Nilibot ko ang paningin ko sa labas at nakita ko si Tyler na nakasandal sa kotse niya habang nasa bulsa ang mga kamay, at sa kaliwa naman ay nakita kong nakasandal din si Joaquin sa kotse niya at naka crossed arms.
Pareho silang ngumiti nang makita ako at naglakad papalapit sa akin.
"Ang dami mo namang driver." Matawa-tawang bulong ni Stacey pero di ko lang siya pinansin.
"Good morning, Irish." Bati ni Tyler at tanging ngiti lang ang tinugon ko.
"Mas better ka pa sa morning pero still, Good morning, Irish." Ngumisi si Joaquin.
Hindi ko naman mapigilang mapangiwi dahil ngayon ko lang narinig ang ka-corny-han ni Joaquin. Hindi naman kasi siya ganyan dati.
"Uh, who is he?" Takang tanong ni Stacey habang nakatingin kay Joaquin. Mukhang narinig naman siya ni Joaquin.
"Malaki na ba talaga ang pinagbago ko para di mo na ako makilala?" Nginisian ni Joaquin si Stacey.
Nalaglag naman ang panga ni Stacey nang marealize niya kung sino ang kaharap niya ngayon. "Kuya Joaquin!?" Gulat niyang sambit at hindi makapaniwala.
Napatawa naman si Joaquin sa naging reaksyon ng kapatid ko.
"Omg, di kita nakilala agad, kuya! Ang daming nagbago sa'yo... Tsaka... Di ko naisip na ikaw na yan, ang corny mo kasi kanina! Malayong malayo sa kuya Joaquin na nakilala ko!"
Natawa naman si Joaquin. "People change, kiddo." He shrugged.
"Ghad, I'm surprised! Nakauwi ka na pala from Australia?"
"Yup. Medyo matagal na ako dito sa Pilipinas."
"Ohh. So, you're staying for good?"
"Yeah." Tumango-tango si Joaquin. "May important work din kasi ako dito sa Phil."
Napatingin naman kami kay Gelo nang marinig namin siyang tumikhim. "Sorry to interrupt your chit-chats , but we need to go. May pasok pa po sila." Seryosong sabi niya.
"Ayy oo nga pala! Omg! Anyways, Nice to see you again Kuya Joaquin!" Bumaling naman si Stacey kay Tyler. "Hi, Kuya Tyler! Nice to see you rin!"
Tumango lang si Tyler at ngumiti.
"Sige, papasok na ako––"
"Ako na ang maghahatid sa'yo."
Napatigil ako sa pagsasalita nang sabay na nagsalita sina Tyler at Joaquin. Nagkatinginan silang dalawa bago muling tumingin sa akin pareho.
"Una na kami, Ate! Bye!" Sigaw ni Stacey at hinila si Gelo papunta sa kotse nito.
Nagkatinginan naman kami ni Gelo at nakita ko ang pag-aalala niya. Ngumiti lang ako sakanya at tumango na para bang sinasabing 'okay lang'.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.