Chapter 37

848 24 1
                                    

Irish's POV

Pagkatapos kong makita si Ricci ay inihatid ulit nila ako sa kwarto ko para makapagpahinga na lalo na't may ilang test at laboratory pang gagawin sa akin kinabukasan.

Sa totoo lang ay hati ang nararamdaman ko nang sandaling iyon. May parte sa puso ko na sobrang nasasaktan dahil ganoon ang lagay ni Ricci ngayon, pero may parte ring masaya dahil nakita ko na siya at higit sa lahat ay buhay pa siya at lumalaban.

Malaki talaga ang pasasalamat ko sa Diyos dahil ligtas kaming pareho ni Ricci mula sa trahedyang iyon. Nasaktan kami, pero masaya ako dahil pareho pa rin kaming nasisikatan ng araw. Alam ko namang malalagpasan namin ni Ricci ang pagsubok na ito. Ang kailangan lang talaga ay maging matatag kami para sa isa't isa. Magagawa namin iyon sa tulong na rin ng pamilya namin.

Sa nagdaang isang linggo ay parati akong bumibisita kay Ricci habang ako rin ay nagpapagaling sa ospital. Nalaman ni mommy Heather na pinupuntahan ko si Ricci pero wala rin siyang nagawa. Medyo nagalit lang siya nung una pero kalaunan ay pumayag na rin ito. Nung isang beses nga ay siya ang naghatid sa akin sa kwarto ni Ricci.

Si Ricci naman ay bumubuti na rin ang lagay. Naghihilom na ang mga sugat na natamo niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Ang kaibahan lang ngayon ay wala na siya sa ICU at nailipat na siya sa ordinaryong kwarto.

Ito na ang huling araw ko dito sa ospital dahil bukas ay pwede na akong makauwi sa bahay. Medyo maayos na ang lagay ko pati na rin ng paa ko. Medyo nakakalakad na ako at patuloy pa rin ang therapy ko para sa mabilisang paggaling.

"May bisita ka, ate." Nakangiting sabi ni Matt, isang araw noong siya ang nagbabantay sa akin.

Bahagya naman akong nakaramdam ng excitement nang marinig ang sinabi ni Matt.

Umayos ako ng upo sa may kama. "Sino?" Tanong ko.

Ngumiti lang sa akin si Matt at binuksan ang pinto ng kwarto.

Masiglang pumasok ng kwarto ko si Thirdy habang taas-taas ang banner na may nakasulat na "We're Happy You're Now Awake, Irish!"

"Hello Philippines!" Bungad ni Thirdy habang masayang nakangiti at nakatingin sa akin.

Napaawang naman ang mga labi ko at natawa nang bahagya nang makita ang loko-lokong si Thirdy.

Kasunod naman niya sina Jane at Anton na parehong may dala-dalang pagkain. Napangiti sila lalo nang makita ako.

Mabilis na nilapag ni Jane ang pagkain na dala niya at mabilis na sinugod ako ng yakap. Narinig ko ang mahina niyang hikbi habang nakayakap sa akin.

"I-Im glad to see you sis, you're a-awake!" Sabi ni Jane habang naluluha.

Bumitiw kami sa pagkakayakap sa isa't isa at ngumiti ako sakanya. "Wala eh, malakas ako kay Lord." Pabirong sabi ko at narinig kong natawa sila.

"Bumisita na kami sa'yo noon nung wala ka pang malay.Pinag-alala mo kami ng sobra, Irish." Malungkot na sabi ni Anton. Lumapit naman siya sa akin at niyakap din ako.

Maya maya naman ay binitawan ni Thirdy ang hawak niyang cartolina at nakita ko ang seryoso niyang mukha habang papalapit sa akin. Aasarin ko sana siya kaso nagulat ako nang yakapin niya ako.

'I'm very sorry, Irish." Seryoso niyang sabi pero maririnig mo na ang pagkasinsero niya habang sinasabi niya ang katagang iyon. Ngayon ko lang narinig na ganoon kaseryoso magsalita si Thirdy. Sakanilang tatlong lalaki kasi ay siya ang pinakamakulit.

"For what?" Naguguluhan kong tanong pagkatapos niya akong yakapin.

Narinig kong malakas na tumawa naman si Jane. "Wala, paano kasi hindi siya nakasama sa amin nung una kaming bumisita sa'yo." Sabi niya.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon