Irish's POV
"Hi I'm Tyler, Tyler Tio." he said while offering his hand. Tinanggap ko naman yun at nag shake hands kami. Tyler Tio? Hmm isa siya sa rookie ng Blue Eagles diba?
"I'm Irish." I said and I slightly smiled. Pagkatapos ay sila naman ni Nat ang nag shake hands at nagpakilala sa isa't isa.
"I'm Thirdy." sabi nung moreno. Well di niya naman na kailangan magpakilala. Thirdy Ravena, the younger brother of Kiefer Ravena. Lol sino bang di nakakakilala sakanya?
"Hello I'm Anton!" sabi ni tisoy. Nakipag shake hands naman siya sa akin at tinanggap ko iyon.
"Uhh--- you guys are members of Blue Eagles diba?" sabi ko. Yeah stating the obvious, actually.
Tumango tango naman si Tyler. "Yep. Actually, namumukaan kita eh. Diba nandun ka nung Saturday? Nung game two? Yung kayakap ni Brent Paraiso?"
Saglit akong natigilan nang marinig ang sinabi niya. Ohh, pati siya nakita yun? naku, nako baka mamaya nagalit sa'kin mga fans ni Brent. Tsk tsk lokong yun kase eh.
"Uhh yeah." nahihiya kong tango.
"I see." sabi niya. "Nga pala, are you girls alright? may ginawa ba sainyo yung mga lokong yun?"
Muli nanamang bumalik ang inis ko dahil sa sinabi niya. Bwiset na mga lalaking yun! Grabe napaka chismoso! Tss rebels kase eh.
"Ahh wala naman. Buti dumating kayo. And by the way, Thank you... for saving us?" nag-aalangan kong sabi. Tumawa naman siya dahilan para mas sumingkit ang mata niya.
"Wala yun. Bibili sana rin kami ng taho and ayun, nakita kong mukhang inaano kayo ng mga taga Spranttle na yun."
"Yow Ty! mauubos na yung taho dito!" napatingin kami kay Thirdy na dalawa dalawa ang baso ng taho na kinakain. Napansin naming kaming dalawa na lang pala ang nag-uusap kase Sina Anton at Thirdy ay bumibili, even Nat!
"Ah sige na, bumili ka na baka maubusan ka pa. Tsaka una na rin kami kase may kailangan pa kaming gawin ng friend ko. Thank you ulit." I said.
"You're welcome. Nice to meet you, Irish." tumango lang ako sakanya at sinenyasan si Nat na aalis na kami. Nagets naman niya kaagad.
"Grabe, ang pogi nung Tyler bes!" rinig kong sabi niya habang papasok kami. Inubos muna namin yung taho bago kami pumasok. No foods allowed daw eh.
"Type mo? eh pano si Nathan limot na ganern?" sabi ko. Hinampas niya ako sa braso dahilan para mapadaing ako. "Aww!"
"Duh bes anong limot ka diyan! Di ko type yung Tyler no! Type ko siya para sa'yo!"
Sinamaan ko siya ng tingin. " Sira."
"Bakit pogi naman ah? Tapos parang night and shining armor lang yung datingan." Umiling-iling na lang ako sa mga pinagsasasabi nito ni Nat.
***
Saturday, game 3 ng finals ng UAAP Basketball Season 80. Hindi ako nakapanood ng live dahil kailangan kong umuwi ng Laguna. Why? well I miss our home! nakakamiss din huminga ng medyo walang polusyon? Tsaka I guess, I need a break.
Pagkababa ko mula sa kwarto ay naabutan ko ang nakababata kong kapatid na si Stacey, pati ang lola ko na nanonood ng T.V.
"Uyy Ice Cream!" sabi ko at dali-daling inagaw sa kapatid ko ang baso niyang may lamang ice cream at kumain. Hmm cookies and cream!
"Urgh! ate kumuha ka ng sa'yo!" sabi niya pero binelatan ko lang siya. She's Stacey and She's a high school student na.
"Sige ka, di kita ilalakad kay Gelo." pang-aasar ko habang sumusubo ng Ice Cream.
"Fine! kukuha na lang ako ng akin." inis na sabi niya at padabog na tumayo para kumuha ng baso at kutsara na paglalagyan ng ice cream niya. Napatawa naman ako. Crush niya kase si Gelo, kapatid ni Ricci.
"Nanood ka pala nung game 2." rinig kong sabi ng lola ko. Bahagya naman akong nagulat nang makitang ang palabas na pinapanood nila sa T.V. ay ang game 3 ng finals ng Basketball. Sakto rin dahil ang camera ay nakatutok sa mukha ni Ricci dahil mag ffreethrow siya. Nakita ko namang shinoot niya ang bola.
Shoot!
"Ahh opo. Kasama ko sina Xandy at Natalie." sagot ko.
"Edi nagkita kayo ni Kuya Ricci?" sabi ni Stacey na kakadating lang. Saglit akong nagulat sa tanong niya pero buti ay nakarecover agad.
"Yes. Syempre." I shrugged.
"So.......?" sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko. "Anong so?"
She rolled her eyes. "Duh ate, ano may nangyari ba? nagkausap ba kayo? nagpansinan? nag hi and hello manlang sa isa't isa?"
Nakita kong pareho silang nakatingin sa akin ng lola ko at inaantay ang sagot ko. Wait, nasa hot seat ba ako? Di ako nainform na may press conference pala ako ngayong hapon.
"Wala, hindi." tipid kong sagot at muling bumalik sa pagkain ng Ice Cream. Nakita ko naman sa T.V. na lamang ang Ateneo.
Psh! Go Archers kick some ass!!!
"What? as in wala?" Napabuntong hininga naman ang kapatid ko. Para bang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Eh okay ka lang ba nung nagkita kayo?" tanong ng lola ko. Tumingin ako sakanya at malalim na huminga at malakas na bumuntong hininga.
Saglit akong napatulala bago nagsalita. "Ewan, ma. Halo-halo yung pakiramdam ko nung makita ko ulit siya. Masaya kase, nakita kong masaya siya sa ginagawa niya, na mas lalo siyang gumagaling. Tsaka nakita kong maraming sumusuporta sakanya." saglit akong tumigil.
Naalala ko yung nakita ko pagkatapos ng game. Kausap niya noon si Nicole at hindi ko madescribe kung gaano siya kasaya. Hindi ko rin madescribe kung paano siya ngumiti rito.
"Pero at the same time nasasaktan din." pagpapatuloy ko. " Lalo na nung nakita kong may iba nang nagpapasaya sakanya. Na may iba nang nagbibigay inspirasyon sakanya. Na hindi na ako kasama sa magagandang nangyayari sa buhay niya." Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong na iyak.
Sobrang nasasaktan ako sa mga oras na iyon. Pero pinili kong huwag umiyak at huwag magmukhang mahina. Pero kahit ano pa ring gawin ko, hindi ko matatago na siya pa rin, na mahal ko pa rin siya. Na kahit pigilan ko at sabihin sa sarili kong hindi na pwede, wala eh. Siya pa rin. Si Ricci siya eh.
Naramdaman kong niyakap ako ng lola ko. "Hindi ka man niya kasama sa kung anong nagyayari sa buhay niya, tandaan mong minsan ay naging parte ka nito. At alam mo namang malaki ang ginawa mo para marating niya kung nasaan siya ngayon, apo."
Mas lalo akong napaiyak nang marinig ang sinabi ng lola ko. Malaki ang ginawa ko? Pero parang di 'yon sapat.
"Ma, mahal ko pa rin siya." I said between my sobs.
"Alam ko, apo. Walang masama doon. Hindi agad mawawala iyan dahil hindi naman talaga nawawala ang pagmamahal lalo na kung nagmahal ka talaga ng totoo."
Napapikit na lang ako habang dinadama ang sakit ng puso ko. Alam kong ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Alam kong ako naman talaga ang dapat na nagdudusa dahil sinaktan ko si Ricci.
At alam kong kailan man ay hindi ako magsisisi sa desisyong ginawa ko.
________________
5 votes = next chapter :) Don't forget to vote and comment guys! godbless us all!
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.