Irish's POV
"I really don't know, Irish. But I think, I'm falling inlove with you."
Nagulat ako nang marinig ang sinabi niya. Naka-ilang beses din akong napalunok kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa inamin sa akin ni Andrei ngayon. Parang nananaginip lang ako. But I know, this is real.
"I know na nagulat ka. Actually, ako din naman. I don't know when it started. What I know is, isang araw nagising ako na gusto kong lagi kitang kasama. I want to make you happy and smile... Then one day, I woke up realizing that I love you already." pilit siyang ngumiti at pagkatapos ay inalis ang tingin sa akin. He started moving his swing.
Ako naman ay pigil hiningang nakatingin sakanya. I don't know what to say. I don't know what the exact word to say. "Andrei..." yun na lang ang nabanggit ko.
He sighed heavily. "But I know, Irish. You don't feel the same way." mapait siyang tumawa. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko.
Palagi kaming magkasama ni Andrei sa loob ng dalawang taon. Araw-araw niya akong hatid-sundo, We always eat together, and he's my tutor at the same time. I'm very comforatable and I feel safe when I'm with him. Whenever I need help, He's always there for me. To be honest, I have a crush on Andrei.
Sino ba namang hindi magkaka crush sakanya diba? Mabait siya, marespeto, at sweet. Nasa kanya na rin ang mga hinahanap ng mga kababaihan. Ideal guy kumbaga.
Naisip ko rin dati na bakit hindi ko subukang buksan ang puso ko sakanya? Lagi siyang nandiyan para sa akin kaya baka dapat ay subukan kong mahalin siya? Yes, mahal ko si Andrei but as a friend. Pinilit kong subukan, God knows that. Pero kahit anong gawin ko ay wala talaga. Hanggang dun lang ang nararamdaman ko para sakanya. Crush ko lang siya.
"A-Andrei... I'm really really sorry." malungkot kong sabi sakanya. Nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Sinaktan ko siya.
Tumango-tango si Andrei. "You don't need to be sorry, Irish. It's my fault. Ang akala ko ay mapapalitan ko siya sa buhay mo. Pero kahit anong gawin ko, alam kong siya pa rin talaga." sabi niya.
Napapikit ako at hindi ko na maiwasang mapa-iyak.
"He's your first love, And I believe that first love never dies." mapait siyang tumawa habang pinupunasan ang luha niya.
Damn. Hindi niya deserve masaktan. I hate myself, Very much.
Tumingin siya sa akin ng diretso. "Kaya nga kahit anong mangyari, hindi mawawala yung pagmamahal ko sa'yo. You're my first love."
Napahagulgol ako nang marinig ang sinabi niya. Ano bang ginawa ko para maging ganito ako kaswerte? "I-Im very sorry, Andrei. You don't deserve this pain. Wala kang ibang ginawa kundi puro kabutihan sa akin pero nasasaktan kita." simsero kong sabi.
"Irish... Stop. Ako ang may gusto nito okay?" tumayo siya at naramdaman kong lumapit siya sa akin. "Stop crying, my first love. Nasasaktan ako pag nasasaktan ka remember?" pinunasan niya ang luha ko at pagkatapos ay niyakap ako.
Sana makita mo ang babaeng para sa'yo Andrei. Nakakalungkot lang isipin na hindi ako ang babaeng yun.
Bumitiw siya sa pagkakayakap at tinignan ako sa mata. "Irish, I know na mahal niyo pa ang isa't isa. It's time para ipaglaban mo na siya. Wag mo na siyang susukuan. Alam kong para kayo sa isa't isa." ngumiti siya sa akin.
Malungkot akong ngumiti sakanya at napapikit. Nasasaktan ako para kay Andrei. He's a very good friend. Kung sana ay pwede lang diktahan ang puso, gagawin ko na. Siya na ang pipiliin ko. Pero wala eh, sa iba pa rin tumitibok ang puso ko.

BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanficA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.