Irish's POV
Bumagsak ang dala-dala kong cake mula sa mga kamay ko. Nanginginig ang buong katawan ko kasabay ng nararamdaman kong sakit sa puso ko...
Putangina.
Nagdulot ng ingay ang pagkakabagsak ng kahon ng cake na dala ko dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang dalawa.
Napatigil sila sa paghahalikan at kitang kita ko ang gulat na expresyon sa mukha ni Nicole ng makita ako habang si Ricci naman ay nakatingin lang sa lapag at seryosong seryoso ang mukha.
"A-Ahh... M-Miss I-Irish--"
"I don't need your fucking explanation, you bitch." Matigas kong sambit habang matalim na nakatingin kay Nicole na hindi alam ang gagawin ngayon.
Kinuyom ko ang kamao ko at damang dama ko ang pag daloy ng galit sa buong katawan ko.
Nakita ko lang namang naghahalikan sa may sofa ang taong mahal ko at ang personal assistant niya. Yun lang naman.
Bullshit!
"I-I'm very sorry Miss--"
"You don't need to apologize to her, darling." Putol ni Ricci sa sinasabi ni Nicole.
Mabilis akong napatingin sakanya na may halong pagtataka. Tama ba yung narinig ko? Sabihin niyo sakin, may problema ba ako sa pandinig?
"You can now leave, darling. Ako na ang bahala dito." Dugtong pa ni Ricci. Dali-dali namang binitbit ni Nicole ang bag niya at naglakad palabas.
Muntikan ko nang sapakin ang mukha nung babaeng yun nang madaanan niya ako. Buti na lamang ay napigilan ko ang sarili ko.
Pagkaalis ni Nicole ay mabilis akong naglakad papalapit kay Ricci. Medyo nanlalabo na ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagbuhos ng mga luha ko. Ni hindi ko na kailangang pang pumikit para tumulo ang luha ko. Kahit na nakadilat ay tuloy pa rin ang mga ito sa paglabas.
"A-Anong ibig sabihin nito, Ricci?" Nasasaktan kong sabi.
Nanatiling blangko lang ang expression ni Ricci habang nakatingin sa lapag.
Naramdaman ko ang masakit na pagbaon ng mga kuko ko sa palad ko dahil sa sobrang pagkakakuyom ng kamao ko dahil sa galit.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Bakit ayaw mong itanggi kahit na kitang kita ko kung paano ka nag-eenjoy habang kahalikan ang babaeng yun?" May diin kong sabi.
Nakita kong umigting ang panga ni Ricci.
Napapikit na lang ako dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong marinig mula kay Ricci ang rason kung bakit sila naghahalikan. Gusto kong marinig mula sakanya na hindi niya iyon ginusto at wala lang siya sa sarili kaya niya nagawa iyon. Gusto kong marinig mula sakanya na hindi niya iyon sinasadya.
"Answer me, Ricci!" Hindi ko maiwasang mapasigaw sa galit.
"Dahil mahal ko siya!" Mariin niyang sigaw.
Nalaglag ang panga ko nang marinig ang mga katagang hindi ko inaasahang sasabihin niya. Mga katagang parang naging patalim na unti-unting sinasaksak ang puso ko... Apat na salita, pero kayang pumatay ng damdamin.
Umiling-iling ako. "What are you saying? Nagbibiro ka lang diba? Well, congrats Ricci. Hindi nakakatuwa yung biro mo."
"Sinong nagsabi sa'yong nagbibiro ako?" Nakita kong ngumisi siya. "Hindi ako nagbibiro, Irish. Mahal ko si Nicole."
"You fucking liar!"
"Hindi ako nagbibiro! Mahal niya ako, mahal ko siya, nagmamahalan kaming dalawa!" Sigaw niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/166514514-288-k836442.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.