Chapter 33

1.1K 28 1
                                    

Irish's POV

"Class dismissed." Nabuhayan akong muli nang marinig ko ang sinabing iyon ng prof namin. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko sa bag.

"Uuwi ka na girl?" Rinig kong tanong sa akin ni Jane.

"Hmm... Nope. May pupuntahan pa ako." Nakangiti kong sabi.

Balak ko kasing puntahan si Ricci sa training nila ngayon. Hindi niya alam na pupunta ako kaya for sure ay masusurprise siya.

"Ohh... Mukhang excited ka ah. Hulaan ko, May date?" Tanong ni Jane.

"Hmm... Parang ganon na nga?" Matawa-tawa kong sabi.

"Haaayst! Namiss ko tuloy si Anton." Malungkot niyang sabi.

Ang kwento kasi sa akin ni Jane ay magkaaway daw sila ngayon ng boyfriend niyang si Anton. Nagtatampo daw ang loka kaya di pinapansin ang boyfriend niya.

"Pero ayaw mo namang kausapin." Natatawa kong sabi.

"Tch! Sa totoo lang, gustong gusto ko na siya pansinin 'no! Pero syempre, konting pakipot muna. Papamiss muna ako!" Humalakhak si Jane kaya napatawa nalang ako.

"Sige na, una na ako." Pagpapaalam ko.

"Okiie! Bye din!" Sabi naman ni Jane bago kami naghiwalay ng daan. Pupunta pa siya sa office ng org nila habang ako naman ay naglakad na papunta sa cafeteria para bumili ng maiinom.

"Sa tingin mo, Sino kaya yung babaeng pinost ni Ricci sa IG?" Rinig kong sabi nung babaeng nakapila kasunod ko. Mas tinalasan ko ang pandinig ko nang marinig ko ang pangalan ni Ricci.

"I have no idea, pero isa lang ang masasabi ko. Ang swerte ni ate mo girl!" Rinig kong sabi ng kausap niya.

"I know right! First time kayang magpost ni Ricci ng picture ng babae! And, with a sweet caption pa!" Kahit hindi ako lumingon ay alam kong kinikilig ngayon yung babae.

"Yeah. Kung sino man yung girl, Well susuportahan ko sila ni Ricci." Sabi nung babae.

"Same. Kaya nga we're fans eh. Kailangan suportahan natin at mahalin din natin yung mahal ng idol natin." Sabi pa nung kasama niya.

Nang marinig ko iyon ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ang sarap lang isipin na hindi pala lahat ng fans ni Ricci ay galit sa akin. Hindi lahat ng fans niya ay pinapatay na ako sa isip nila. May mga totoong fans pa rin talaga na tanggap at patuloy pa rin sa pagsuporta sa idol nila kahit ano mang desisyon ang gawin nito.

"What's your order maam?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tanong sa akin ng tindera. Hindi ko namalayan na ako na pala ang nasa unahan ng pila.

"Uhm, One Coke in can lang po." Nakangiti kong sabi.

Pagkabili na pagkabili ko ay naglakad na ako papalabas ng university habang umiinom ng softdrinks. Natanaw ko naman ang ilang mga estudyante na may pinapalibutan na kung sino. Mukha silang nagpapapicture rito.

Nang bahagya akong makalapit ay nakita kong pamilyar ang lalaki sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang marealize kung sino iyon. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan siya na game na game na nakikipagpicture sa fans niya.

"Thank you idol!" Masiglang sabi ng isang estudyanteng lalaki.

Ngumiti lang siya sa mga ito at pagkatapos ay nagpaalam na yung mga nagpapicture sakanya at nagpasalamat.

Dumako naman ang tingin niya sa akin at kitang kita ko ang gulat niyang expresyon nang makita ako. "Irish." Excited niyang sabi.

"Tyler." Nakangiti ko ring bati.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon