Chapter 31

1.4K 32 2
                                    

Irish's POV

"Urrrrrrghhhh!" daing ko. Binagsak ko ang mukha ko sa kaharap kong libro at pagkatapos ay napapikit na lamang.

Ilang oras na akong nakaupo sa kwarto ko habang nag-aaral para sa exam namin ngayong week. Sa totoo lang ay stress na stress ako dahil sa sobrang dami ng kailangang aralin. Paano ba naman, okay lang sana kung tinuro yung mga itatanong sa exam eh! Eh hindi eh! Yung prof ko ay puro kwento lang tungkol sa buhay niya imbis na magturo! Okay lang sana kung yun yung itatanong niya eh! Tuloy ang eksena namin, pag-aralan ang mga lessons na dapat ay siya ang nagtuturo.

HAAAAAYS!

Maya-maya ay nag ring ang cellphone ko. Kinapa kapa ko lang iyon sa may table ko habang nasa libro pa rin ang mukha ko. Sinagot ko ang tawag kahit na di ko alam kung sino iyon.

"Hi." pagod kong sabi sa kung sino mang kausap ko. Hindi na ako nag-abalang tignan ang pangalan ng caller sa screen.

Narinig kong natawa ang kausap ko sa kabilang linya. Napaayos naman ako ng upo at nakaramdam ng excitement nang marinig kung kaninong tawa iyon.

"Ricci!" natutuwa kong sabi.

"Hello, love. Are you okay? Bakit parang wala ka sa mood? Miss mo na ko 'no?" rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.

Ilang araw na ang nakalipas simula nung makabalik kami galing sa Boracay. Sa mga nagdaang araw din na iyon ay madalas kaming magkasama ni Ricci. Pag may oras siya ay hinahatid o kaya ay sinusundo niya ako sa school. Madalas din kaming sabay na kumaing dalawa. Minsan ay sa resto pero madalas ay sa condo niya. Magluluto siya para sa aming dalawa. Sa aming dalawa kasi ay di hamak na mas may pakinabang si Ricci sa kusina. Ako kasi ay taga kain lang o di kaya ay taga hugas ng plato. Wala eh, di ako marunong magluto.

Maingat pa rin kaming dalawa na hindi malaman ng publiko ang ugnayan naming dalawa. Iniiwasan namin na ma-issue si Ricci at maulit nanaman ang pangbabash sa akin ng ibang mga fans niya sa akin. Sobrang hirap lalo na't hindi kami makalabas kung kailan at saan namin gusto. Wala naman kaming magagawa eh, ganun talaga ang buhay nilang mga sikat. Nasa amin na lang yun kung paano namin i-hahandle ang situation na yun. Sabi nga nila, pag mahal mo, gagawin mo ang lahat.

"Yes." pag-amin ko. "Miss na kita. Pero slight lang ha." natawa ako.

Ilang araw na ang nakalipas nung huling magkita kaming dalawa sa personal. Busy ako sa school habang may training naman siya sa Gilas, Mayroon din siyang iba't ibang guesting sa T.V. at sa iba't iba pang lugar. May araw ngang gusto ko na siyang ilabas sa T.V. habang pinapanood ko siya dahil gusto ko na siyang yakapin. Kulang nalang ay yung mismong T.V. na namin yung yakapin ko.

"Ako ba di mo miss?" tanong ko.

Narinig kong natawa siya. Parang music talaga sa tenga ko ang tawa niya kaya hindi ko maiwasang mapakagat sa ibabang labi. "Di naman siguro ako babiyahe papunta sainyo kahit sobrang traffic kung hindi kita sobrang miss diba?"

Nanlaki ang mata ko nang marealize kung ano ang sinabi niya. "What!? Don't tell me..."

Tumawa ulit siya. "Baba ka. Nandito ako sa labas ng bahay niyo."

Dali-dali akong tumakbo pababa ng bahay namin. Halos matisod na ako pero wala akong pakielam. Mabilis akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate namin. Sumalubong sa akin ang nakatayo at nakangiting si Ricci. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang gwapo gwapo niya talaga. Naka suot lang siya ng white na T-shirt at maikling shorts pero ang lakas ng dating niya.

Bakit ba napakagwapo ng nilalang na'to?

"Pizza?" sabi niya at tinaas ang box ng pizza na hawak niya. "Ice cream?" sabi niya at tinaas naman ang nakaplastik na gallon ng ice cream na hawak ng isa niya pang kamay.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon