Irish's POV
Napasinghap ako habang nag sisink in sa akin kung sino ang taong kaharap ko ngayon. Hindi ko alam pero parang gusto kong lumubog na lang ako sa kinatatayuan ko ngayon! Naman oh! Di ako ready ngayon eh!
Napansin kong nakatingin pa rin sa amin sina Tyler kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ang kamay ni Ricci at makipag kamay sakanya. Mabilis kong binawi ang kamay ko pagkatapos at pilit na ngumiti. Nakakainis na ngumiti siya sa akin bago muling umupo. Hindi ko naman mabilang kung nakailang lunok na ako simula kanina pa.
"Magkakilala pala kayo?" manghang tanong ni Tyler. "Saan kayo nagkakilala?" nagulat ako sa tanong na iyon ni Tyler kaya bahagya akong napaubo. Mabilis naman ako inalayan ng nag-aalalang si Tyler. "Are you okay?"
"Wala. Boyfriend kasi ng kapatid niya yung kapatid ko, Si Gelo." cool na sagot ni Ricci. Tumingin sa akin si Tyler at tanging ngiti lang ang itinugon ko sakanya. Mukhang kumbinsido naman siya dahil di na siya nagtanong pa.
Akala ko kung anong isasagot niya!
Inusog ni Tyler ang upuan na nasa tapat ko kaya wala akong nagawa kundi ang umupo rito. Nasa right side ko si Jane habang nasa left side ko naman si Tyler, At nasa katapat ko naman si Ricci. Pabilog ang lamesa at may walong upuan. Bali ang bakante na lang ay ang upuan na nasa pagitan ni Ricci at ni Anton. Dun dapat uupo kung sino man ang ka date niya ngayon.
"Di mo sa'kin sinabi na magkakilala pala kayo ni Ricci!" bulong sa akin na kinikilig na si Jane.
Haaaay Jane, kung alam mo lang.
Umayos ako ng upo at inabala ang sarili sa kakalibot ng tingin sa loob ng venue. Kilala ko ang iba lalo na ang ibang member ng Gilas. Dati kasi silang naglalaro sa UAAP. Meron din namang ibang nandito na hindi ko kilala.
Pasimple kong pinagmasdan si Ricci. Malaki ang pinagbago niya. Alam kong noon ay gwapo naman na talaga siya pero ghad, mas naging gwapo siya! Idagdag mo na rin ang napakalas na charisma ng lalaking 'to na laging pinagtitilian ng mga kababaihan. I must also say that, he's hotter now.
I shook my head to shrug the thought away.
Umayos ka nga Irish Fortalejo!
"Uhm, Ricci." napatingin ako sa babae na lumapit kay Ricci. Mabilis na tumayo si Ricci at inalalayan niya itong makaupo. Halatang nagulat ang babae sa ginawa ni Ricci.
I know her. She's Nicole, ang personal assistant ni Ricci noon, hindi ko lang alam ngayon. Baka mamaya ay sila na. Grabe kasi yung ngiti ni Ricci nung makita niya ito.
"Are you okay?" rinig kong tanong ng katabi kong si Tyler. Lumingon ako at ngumiti sakanya. Bahagya namang lumapit sa tenga ko si Tyler at bumulong. "Wag kang kabahan, mas maganda ka sakanila."
Pinanlakihan ko siya ng mata dahilan para mapatawa siya. Nakita ko nanaman na halos maningkit nanaman ang mga mata niya dahilan para mapatawa na rin ako ng mahina. Pagkatapos ay napatingin ako kay Ricci na nakatingin pala sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanya at pilit na wag pansinin ang tingin na pinupukol niya sakin.
Ilang saglit lang ay nagsimula ng ang program. Maraming sinabi ang emcee tungkol sa kung ano-anong bagay pero ang inintindi ko lang ay ang pagcocongratulate nila sa Gilas dahil sa panalo ng team.
Maya maya ay nagkatinginan kami ni Brent at hindi ko alam ang irereact ko. Nahihiya ako sakanya dahil isa siya sa mga taong iniwasan at pilit kong kinalimutan noon. Sa totoo lang, hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko sakanila. Alam ko naman na dadating ang araw na 'to, pero hindi ko alam na ngayon na ang araw na yun!
Nagulat ako nang unti-unti siyang ngumiti sa akin. "You look beautiful." he mouthed.
Bahagya akong nabigla pero buti na lang ay mabilis ding nakabawi. Ngumiti ako pabalik. "Thank you." I mouthed.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.