Chapter 1

2.2K 42 0
                                    

Irish's POV

Another day in school. Nakalipas na ang ilang subjects ko kaya ito ako ngayon, gutom na gutom na. Hindi ako nakakain kanina ng umagahan dahil late na akong nagising or I must say, gumising dahil mas pinili ko ang tulog kesa sa pagkain.

"Tara sa caf, Nat." yaya ko kay Natalie, one of my bestfriends/classmates.

"Leggo! gutom na rin ako!" sang-ayon niya sa akin at dali daling niligpit ang mga gamit.

Sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria para bumili ng makakain. Ngunit ganoon na lamang ang pagbagsak ng mga balikat ko nang matanaw ang napakaraming tao sa loob.

"Aww-it." nanlulumong naibulalas ni Natalie habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng cafeteria.

Ngayon lang ulit napuno ng ganito ang caf. Karaniwan kase sa mga estudyante ay lumalabas pa ng campus para lang kumain at iilan lamang ang pumupunta rito para kumain.

"Yo gurls!" pangiti-ngiting bungad sa amin ni Nathan pagkalapit na pagkalapit nito. Tinanguan ko lang siya at nakangusong ibinaling ang tingin sa napakahabang pila sa counter.

Malas naman.

"Sup, Nate?" tamad na tamad namang tugon ni Natalie sakanya.

Saglit namang napahinto si Nathan at inusisa ang mga nanlulumo naming mukha. Lumingon siya sa kung saan kami nakatingin ni Natalie at mahinang natawa.

"I knew it... Ano bang gusto niyo? Ako nalang ang pipila at antayin niyo na lang ako sa club room. Dun na lang tayo kumain."

"Really?" sumigla ang boses ni Natalie sa narinig mula sa manliligaw. Oo, nililigawan ni Nathan ang kaibigan kong si Natalie, at oo, hindi sila magkapatid.

Napabuntong hininga naman ako. "Thanks, Nate. Pero di ko na talaga kaya." pailing-iling na sabi ko. Hindi ko na kaya pang antaying makabili si Nathan dahil base pa lang sa haba ng pila ay alam kong aabutin iyon nang siyam siyam.

Tinalikuran ko na silang dalawa at naglakad na palayo. Naiwan namang nagtataka yung dalawa.

"San ka punta bes?" pahabol na tanong ni Natalie.

I just raised my right hand at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi na nila ako hinabol dahil naintindihan na nila ang pagsenyas na ginawa ko.

Lumabas ako ng campus at nag-antay ng masasakyang taxi papunta sa pinakamalapit na fastfood chain. Actually, kaya namang lakarin pero sobrang init talaga at isa pa, gutom na talaga ako.

"Tsk! Bat walang taxi. " inis kong bulong. Ilang minuto na akong nakatayo roon at wala pa ring dumadaan ni isa.

Maya maya ay may humintong kotse sa harap ko. Unti-unting bumababa ang windshield nito sa may part ng driver seat. "Need a ride?" nakangising tanong ng driver na nakasuot ng kulay green na cap.

I was about to roll my eyes nang marealize ko kung sino yun. "Andrei?" gulat na naibulalas ko habang nakatingin sakanya.

"Yes. Andrei Caracut, at your service." He said while smiling. Bahagya niyang ginalaw ang ulo niya, senyales na pinapasakay ako.

Swerte!

Mabilis akong napangiti at dali daling umikot papunta sa shot gun seat.

"Ano nga palang ginagawa mo rito?" masiglang tanong ko pagkakabit ng seat belt.

"Hmm.. Wala lang. I was just roaming around nang makita ko ang isang babaeng parang anytime ay mangangain ng tao." pang-aasar niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero walang ginawa ang loko kundi ang humalakhak.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon