Irish's POV
"Masaya pala sumakay ng jeep." Tyler said while we're eating. Di pa rin siya maka move on na sumakay siya sa jeep. That was his first time kasi. You know naman, Rich Kid.
Malaki rin ang pasasalamat ko dahil hindi na mukhaan si Tyler ng iba pa naming kasamang pasahero. Nakalimutan kong celebrity ng pala 'tong kasama ko. Kung nagkataon ay paniguradong pagkakaguluhan siya. Buti na lang din nakasuot ng cap si Ty kaya medyo hindi mo nga siya makikilala.
"Yeah. Pero nakalimutan kong sikat ka nga pala." natatawa kong sabi.
"It's okay. Para naman minsan maramdaman ko kung paano mamuhay ng simple lang." Nakangiting sabi niya. "Tsaka, ang cool mag-abot ng bayad ng iba sa driver." natutuwa niyang sabi.
"Yeah. Kaso lang madumi yung pera." sabi ko.
"Yeah. Pero okay lang yun! Atleast kasama kita nung unang beses akong makasakay ng jeep." tinaas-baba niya ang kilay niya at ngumiti ng malapad.
Hindi ko namang mapigilang mapangiti sa sinabi niya.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Graduate na si Tyler sa Ateneo at ngayon ay naglalaro na siya sa PBA, at member na rin siya ng Gilas. Well, magaling naman talaga siya. Plus mas naging sikat na rin siya ngayon. Wala eh, gwapo eh.
"Hmm nga pala, Irish." sabi niya sa gitna ng pagkain namin.
"Yes?"
"May gagawin ka ba bukas ng gabi?" tanong niya.
Napaisip ako saglit. "Wala naman yata. Bakit?" Nag-aalangan pa si Tyler na sagutin ang tanong ko kaya napatawa ako. "Dali na, ano ba yun?" pagpupumilit ko.
"Is... It okay if you'll be my date tomorrow?" nahihiya niyang tanong habang nasa batok ang kamay.
Bahagya akong nagulat nang marinig ang sinabi niya. "Date?"
"Yes. May aattendan kasi akong ball bukas and... wala pa akong date." nahihiya niyang sabi habang nakahawak sa batok niya.
What? Ang isang Tyler Tio wala pang date sa ball?
Tinitigan ko siya. "Ako talaga? as in ako ang isasama mo?" di ko makapaniwalang maitanong. Maraming magagandang babae ang nagkakagusto kay Tyler, syempre, pero di ko magets kung bakit ako pa talaga ang niyayaya niya? like, ordinaryo lang ako unlike sa mga celebrity na nagkakagusto sakanya. Ang alam ko nga may nagkakagusto pa sakanyang artista!
"Yes, kung okay lang sana sa'yo?"
Napaisip ako sandali. Well, wala naman akong gagawin bukas. Tsaka, medyo matagal tagal na rin yung huli kong attend ng mga formal events. Tsaka wala naman sigurong masama? Tyler is my friend kaya dapat di ko siya tanggihan. At isa pa, I'm happy when I'm with Tyler.
"Well, sige?" sabi ko.
Nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ko. "Really?" tumango ako. "Yes! Thank you, Irish!"
Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at niyakap ako.
Kinabukasan ay nagising ako at nadatnan ang pinadala ni Tyler na susuotin ko para sa ball mamaya. It's a blue fitted gown. It's a simple gown lang pero napakaganda nito.
Woah! May taste si Ty sa mga gown ha?
"OMG! Ang ganda!" komento ni Stacey habang nakatingin sa gown na isusuot ko mamaya.
"Ofcourse! Maganda magsusuot eh." pagmamayabang ko.
"Whatever, ate." pagtataray niya sa akin. Tumawa naman ako nang malakas. "You know what, Ang sweet ni Kuya Tyler! Pinadalhan ka pa talaga niya ng susuotin para mamaya! Kyaaaah!" tili ni Stacey.

BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.