Chapter 20

1.6K 28 3
                                    

Irish's POV

Nakaakyat ako papunta sa condo unit ni Ricci nang matiwasay. Habang naglalakad ay iniisip ko kung anong katangahan nanaman ang ginagawa ko. Pumayag akong sumakay sa kotse ni Ricci tapos ngayon pupunta ako sa condo niya? Ghad, please wag niyo akong tularan. Wag maging tanga.

Alam ko kung saan ang unit ni Ricci dahil lagi akong pumupunta dito noon. Matagal na yung huling punta ko dito. Ang last yatang punta ko ay noong kami pa. Pag-umaakyat kami dito noon ay hindi rin kami sabay. Parati kasi talagang may mga nakabantay na media sa baba.

Pagkapasok ko sa unit ni Ricci ay agad sumalubong sa akin ang napakabangong amoy sa loob. Hindi nakakahilo and in fact, ang sarap singhutin. Nakabukas ang mga ilaw kaya malaya kong pinagmamasdan ang unit ng isang Rivero. Wala namang masyadong pinagbago. Mas dumami lang ang collection niya ng jersey na nakalagay sa frame at nakasabit sa pader. Dumami rin ang mga nakadisplay na awards ni Ricci. Dati puro dahil lang sa Basketball, Pero ngayon ay pati na rin sa acting.

Who would've thought that Ricci would be a good actor?

I slightly smiled while roaming my eyes. Napakaaliwalas ng condo unit niya. Napakalinis din. Wala kang kalat o alikabok manlang na makikita. Ayun ang isang nagustuhan ko kay Ricci. Hindi siya yung katulad nung ibang lalaki na burara. Gusto niya ay malinis at nakaayos parati ang paligid. For me, that's a big turn on.

Medyo nakakaramdam na ako ng hilo kaya umupo ako sa may sofa ni Ricci. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan nito at mariing pumikit.

Ghad, It's been years.

Maya-maya ay dumating na si Ricci kaya napalingon ako sakanya. Nagkatinginan kaming dalawa pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Naramdaman kong pumasok siya sa kwarto niya at lumipas ang ilang saglit lang ay lumabas siya at lumapit sa akin.

"Here. Take a bath." Iniabot niya sa akin ang towel pati na rin ang damit na susuotin ko. Nag-aalinlangan pa akong tanggapin iyon pero wala na akong nagawa. As if naman may choice ako diba?

Pumasok ako ng cr at naligo. Medyo malamig ang tubig pero buti nalang at may heater si Ricci. Napansin kong puro pang lalaki lahat yung mga gamit niya sa cr tulad ng shampoo at sabon. Wala naman akong choice kundi gamitin ang mga ito.

Pagkatapos ay isinuot ko ang damit na ipinahiram sa niya sa akin. T-shirt niya iyon at may surname niya sa likod. Mahaba iyon sa at para na ngang bistida sa akin. Sobrang tangkad niya kasi habang hanggang balikat niya lang ako. Amoy na amoy rin ang pabango niya sa damit. I must say na ang bango talaga, nakakaadik.

Sinuot ko rin ang shorts na ibinigay niya. Basketball shorts iyon kaya medyo mahaba sa akin. Okay naman sa akin dahil pag nasa bahay ako ay malalaki at mahahabang shorts ang sinusuot ko. Well, It's very comfortable kasi.

Pagkalabas ko ay naabutan kong nasa may dining si Ricci at may hinahandang pagkain. Nagpalit siya ng damit at ngayon ay nakasando na lang siya. Kitang kita kong nagfflex ang muscles niya sa braso. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

Sinasabi ko sa'yo Irish! Umayos ka! Muscles lang yan!

"Let's eat, Irish." napatingin ako kay Ricci nang tawagin niya ako. Nakatitig naman siya sa akin habang unti-unting ngumingisi na parang ewan!

"A-anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?" mataray kong tanong.

Umiling-iling siya habang hindi pa rin nawawala ang nakakaasar niyang ngisi. "Wala."

"Anong wala? Eh bakit ka nakangisi na parang aso diyan!?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakapamewang.

"Wala. Tara kain na tayo hanggat mainit tong sabaw." sabi ni Ricci na pinipigilang ngumiti.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon