Habang nandito ako sa rooftop namin at tulala. Biglang may pumasok sa isip ko.
Lahat ng tao sa buhay natin ay hindi inaasahang darating. Maaaring panghabangbuhay natin sila kasama o isang segundo lang.
Isa tayong instrumento. Na kapag luma na, papaltan na ng bago. Kapag sawa ka na, iba na ang gagamitin mo, kapag wala ka ng silbi, hahayaan ka na lang hanggang sa may ibang gumamit na sayo.
Ganyan ang takbo ng buhay ng tao, hindi mo man pansin pero naggagamitan lang tayo. Ginagamit mo ang teacher para matuto ka pero ginagamit ka rin niya para magkapera siya.
Tadhana. Ang mahilig maglaro at gamitin ang mga tao. Yung hindi mo inaasahan na pangyayari, tadhana ang may pakana.
Baka nga yung lalaking para sa akin ay pwedeng nakasakay sa eroplanong nakikita ko ngayon. Pwede ring isa siya sa mga lalaking nag-aaway sa baba. Aasahan ko na rin na isa siya sa mga taong darating at iiwan ako.
Feelings. Lahat tayo may pakiramdam, nararamdaman natin kung tayo ay masaya, malungkot, galit at marami pang iba.
Tulad ngayon, siguro parehas kami ng pakiramdam ng buwan ngayon. Malungkot.
Bakit malungkot? Kasi wala siyang kasamang stars ngayon. Nung isang araw naman masaya dahil halos mapuno ang langit ng bituin.
Ako? Bakit ako malungkot ngayon?
Madilim.
Malamig.
Nag-iisa.
Tahimik.
Nakakatakot.
Yan ang nararamdaman ko ngayon, maaaring maramdaman ko bukas at sa mga susunod na araw.
Siyam na taon, ganyan katagal ang pagtatago ko sa maraming tao, kinatatakutan ko sila, sobra.
"Don't you dare get out of your house from now on, or else I'll fucking kill you."
Kapag naaalala ko yung sinabi ng batang lalaki nung birthday ko, pagtapak lang sa labas ng bahay nanginginig na ako.
Pero gaya nga ng sabi nila, lahat ng taong nakilala mo noon ay konektado sa buhay mo sa hinaharap.
Sila ang dahilan ng pagbabago mo, mabuti man o masama. Sila ang makakatulong sayo para magpatuloy sa buhay na meron ka.
Sa akin kaya? Talagang aksidente lang ang lahat? O talagang may kinalaman sila sa kung sino talaga ako?
Well, hindi ko malalaman kung hindi pa tayo magsisimula.
Please enjoy reading!
Written by: watashiAM
BINABASA MO ANG
◇Together, Forever◇
Teen FictionThe supreme happiness in life is the conviction that we are loved by the people we care the most. The idea lies on how you want to reflect life through dressing your face with emotions. If you can't explained it SIMPLY, you don't understand it well...