Scene 5 – Run as far as humanly possible
“I don’t think you should go.” Ian said as he sat on her bed looking at her while she was packing her suitcase.
Clara looked up, “Kailangan ko to Ian.” She told him, she walked to her bathroom to get her toiletries, she walked back to her room.
“Why?”
She dropped the toiletries on her bed and sat down beside Ian, “Dahil Ian, eto lang yung paraan ko para talaga magkaroon ng closure. Kailangan kong aminin kay Ralphe, Ian.”
“Edi mag-usap kayo dito. Hindi mo na kailangan pang sumama sa kanya sa London.” He reasoned.
“I need to go, Ian.” Inulit niya, dahil hindi lang dahil kay Ralphe kung bakit siya pupunta sa London, eto lang yung tanging paraan para makausap ni Clara si Elena, eto lang yung paraan para makalapit siya kay Elena at baka pwede niya itong kumbinsihin na balikan si Ian, na i-cancel ang engagement kay Prince Harry.
Dahil kahit anong sabihin ni Ian sa kanya, na hindi niya ito kasalanan, may parte parin niyang nagi-guilty. Naisip niya paano kung hindi siya nakita ni Elena? Pero alam din naman niyang irrational yun dahil kahit anong mangyari may isang sikreto parin si Ian na nalaman at kahit gaano nito kamahal si Elena, hindi niya magawang ipaglaban ang dalaga.
Kaya si Clara ang lalaban. Sa lahat ng mga kaibigan niya, si Cass, si Anton at si Ian pati na rin siya, ni isa sa kanila walang nakakahanap ng happy ending, lahat sila miserable, kaya kahit man si Ian nalang dahil alam naman ni Clara na wala ng pag-asa si Anton haggang hindi nito bitawan si Anya at si Cass naman, kahit naman anong gawin nito, she would always be shackled to James.
Pati siya wala ng pag-asa. Hindi na siya umaasa pa. Kaya si Ian nalang. At least kay Ian, alam niyang mahal nito ang isa’t isa. Na isang prinsipe at isang sikreto lang ang naghihiwalay sa kanilang dalawa.
“Okay but you have to be careful. You’re still in your first trimester.”
She nodded, she scooted closer to Ian and hugged him, “Thank you so much Ian.” Not just for allowing her to go to London but for everything.
***
Nang nasa London na sila ni Ralphe ay dumiretso na sila sa Philippine Consulate dahil nga ang ama ni Ralphe ay ang ambassador, hindi na nila naabutan ang magulang ni Ralphe dahil busy ang mga ito at sa engagement ball na raw nila makikita ang magulang nito.
Hindi sila masyadong nagkibuan ni Ralphe, parehas na tahimik at nung dinala siya ni Ralphe sa kwarto niya ay agad siyang nagpaalam para magpahinga, gusto niya sanang kausapin ang binata kaso sobrang jetlag na rin siya kaya nakapagpasya siya na pagkatapos nalang ng engagement ball.
Nang dumating na ang gabi ng engagement ball ay nag-ayos na si Clara, sinuot niya ang gown na ginawa pa ng ex ni Ian na si Yuri Rodriguez. Pinadala ito ni Yuri sa kanya noon nung na-engage ito kay Ian, paraan ng dalaga para sabihin kay Clara na si Yuri ang papakasalan ni Ian, na sa huli ito ang pinili ni Ian at hindi si Clara. Clara never got why Yuri was so damn jealous of her relationship with Ian, it was so in the past yet Yuri was the only one who couldn’t let go.

BINABASA MO ANG
The Widow
Tiểu Thuyết ChungWhen Clara Dela Merced left the Philippines, she left everything behind knowing that it was the right thing to do especially when the father of her child didn't want them. She left to start anew, she just didn't expect to find a home and love among...