Scene 58 - Stood in the sidelines watching

3.2K 69 1
                                        

Scene 58 – Stood in the sidelines watching

Jenny was frantic. She couldn’t find her boss and he had an important meeting with the board members. She decided to leave the office and went straight to his boss’ house. When she reached the house, she asked for him but was told that he left.

“Alam niyo po ba kung saan nagpunta si Sir?” tanong niya sa isang matandang katulong.

Tumango naman ito, “Nagpunta yun sa sementeryo hija. Death anniversary ngayon ni Ma’am Georgina.”

Death anniversary ng asawa ni Sir? Kaya ba ito wala ngayon? Ayos lang kaya kung puntahan niya sa sementeryo si Sir? Napaka-importante kasi ng board meeting ngayon at hindi naman niya makontak ito.

“Anong oras po kaya ang balik ni Sir?”

Malungkot siyang nginitian ni manang, “Hija, mabuti pa ay bumalik ka nalang sa opisina. Hindi babalik si Sir at kung sakali man bumalik siya baka lasing na iyon.”

Napagbuntong hininga naman siya, ano na ang gagawin niya? Kung wala si Sir? Paano yung board meeting? Siguro tamang tawagan nalang ni Jenny ang Senior VP at ipaliwanag na wala si Sir ngayon.

Tumango siya, “Sige ho, aalis na po ako.” patalikod na sana siya nang narinig niya ang isang sigaw ng babae, nilingon niya ito at nakita si Peter na tumatakbo palapit sa kanya.

“Peter!”

She bent her knees and looked down, her gaze meeting Peter’s, “Peter.”

“Take me away!”

Peter’s arm was yanked by the woman, “How many times do I have to tell you, you can’t not study!”

“I don’t want to study!”

The woman gripped tighter to his arm, “Well you have to!” she practically bellowed at the kid.

“Excuse me, pero nasasaktan na yung bata.”

Tinignan siya ng babae at tinaasan ng kilay, “At sino ka naman?”

 

“Assistant ni Mr. Chua at sinasabi ko na ngayon pa lang miss, sasabihin ko kay Sir na minamaltrato mo ang anak niya.” Hindi na niya hinayaan na makasagot ang babae at tumingin ulit kay Peter, “Are you okay?”

Umiling ito, “Can you take me to my mommy?”

“Sure.”

“You can’t leave Peter!”

The WidowMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon