Scene 37 - The one who hasn't left yet

4K 94 7
                                        

Scene 37 –The one who hasn’t left yet

Pagkadating nila Clara sa Carmichael estate ay agad niyang inutos sa butler ng mga Carmichael na si Bert ang kwarto niya habang karga karga niya ang natutulog na si Tatum at sa magkabilang gilid niya ay sila Kieran at Maddox na nakahawak sa damit niya.

Pagod ang mga bata sa byahe, sino nga ba naman ang hindi mapapagod sa kakalaro nila sa loob ng eroplano. At dahil hindi naman sila sanay sa byahe na 18 hours ay talagang napagod ang mga bata.

Agad din naman silang dinala ni Bert sa kwarto niya at dahil baka naninibago ang mga anak niya ay napagpasyahan niyang tabi muna silang apat ngayon.

Hiniga niya si Tatum, yung dalawa naman ay agad hinubad ang mga sapatos bago tumalon sa kama at humiga, nag-iwan lang sila ng space para kanya. Tinanggal niya ang sapatos ni Tatum bago tumayo ulit para magpalit ng damit pangtulog. Hindi na niya mapipilit sa mga bata ang magpalit lalo na’t tulog na ang mga ito.

Pagkatapos niyang magpalit at maghilamos ay humiga na rin siya at hinalikan isa isa sa ulo ang mga anak. Bago niya pinikit ang kanyang mga mata ay lumingon muna siya sa may gilid niya at ngumiti sa nakita.

“Sleep.”

Tumango siya at pumikit na rin.

***

Tanghali na sila nagsigisingan, nagpadala nalang muna si Clara ng breakfast sa kwarto niya ayaw pa kasing magsitayuan ng mga bata.

Dumating ang pagkain at nagsikainan na sila, maingay habang kumakain dahil isa isa nilang sinasabi kay Clara kung saan nila gustong pumasyal ngayon.

May kumtaok sa pinto at nagsitinginan sila sa pinto, “Come in.” at pumasok sa loob si Jenny, nginitian niya si Jenny, “Jen.”

Naglakad papunta sa kama si Jenny at umupo sa kama, nginitian ang mga bata tsaka tumingin kay Clara, “Sorry ate hindi ko kayo nakita kagabi.”

“Okay lang. Asaan ka ba?”

“Nasa Rocks. At bago mo pa sabihin yan kayla Ate at Kuya, sure akong alam nila.” Sabi ni Jenny, alam din iyon ni Clara, may isang bodyguard si Jenny na pinapaalam agad kay James kung anong ginagawa nito.

“Wala akong intensyon na sabihin iyon sa Ate mo. I’m not here to spy on you, Jen.”

Nagbuntong hininga si Jenny, “Hindi ko alam kung bakit masyado silang protective sa akin.”

“Sister-in-law ka ng isa sa pinakamayaman na tao sa mundo, madaming magbabalak Jenny. They don’t want you to be taken advantage of.”

Jenny gave her a forced smile and ruffled Kieran’s hair, Kieran laughed and bounced on Jenny. “Hi, Kieran.”

The WidowMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon