Scene 2 – You are perfect for me
Hindi alam ni Clara kung anong sunod na gagawin niya sa buhay niya. Ayaw ni Ralphe sa baby, hindi man nito sinabi ng diretsyahan, parang ganun din yun. Dadalhin nga raw diba sa sa abortion clinic, ayun na yun. Tapos na. Kaya ngayon kailangan niyang magdesisyon at magplano.
Pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Ang daming bagay na dapat planuhin pero ni isang bagay wala siyang maisip kung paano sisimulan.
At ngayon eto siya, nakikitira sa bahay ni Ian. Sabi ni Ian na dito muna siya habang nag-iisip kung anong dapat gawin, kasi nga naman baka pumunta si Ralphe sa bahay niya at hind siya makakpagdesisyon ng tama.
She needed distance, Ian said.
“Kailangan kong pumunta sa bahay para kunin yung mga gamit ko at si Love.” sabi ni Clara kay Ian habang nasa kitchen sila at kumakain si Ian ng cereal.
Tumango si Ian at tinignan yung relo niya, “I’d accompany but I’m running late.” Sabi nito sa kanya, tas tinignan uli siya nito, “Buhay pa pala si Love?” namanghang tanong nito.
She huffed, “Ano naman sa tingin mo? Patay na siya. Grabe ka, eight years old palang si Love.” Love was an English Spaniel given by Ian when she turned 21.
Tumayo si Ian sa bar stool at lumapit sa akin. Hinalikan siya nito sa pisngi, “I really need to go. Make yourself at home. There’s a spare key in my desk at the study.” At naglakad na ito papunta sa garahe.
Si Clara naman ay bumalik sa guest room at kinuha yung purse niya. Nagpunta siya sa study at kinuha yung susi sa drawer, palakad na sana siya nang nakita niya yung picture frame sa desk ni Ian.
Kinuha niya ito at pinagmasdan, ang saya saya ni Ian sa litrato at ganun din si Elena Rodriguez. She smiled sadly, Ian never looked at her that way, not that she was complaining but the thing was neither did Ralphe.
Ian looked so in love. He looked at Elena liked she was his world. She wanted that. She wanted a man who’d look at her with his eyes shining with love. Alam niyang imposible iyon kay Ralphe, hindi niya alam ang istorya ni Ralphe pero alam niya na kahit kailan ay hindi siya magagawang mahalin ni Ralphe sa paraan na gusto niya.
Alam na niya iyon simula palang nung nasa college siya at hinagangaan na niya si Ralphe. There was something about him that screamed that he would never give his heart, that he would never be vulnerable to another human being. He was so mysterious, maybe that was what piqued her interest.
There was a challenge in that. Being with a man whose heart and soul were like Fort Knox. And Clara wouldn’t be Clara Dela Merced if she didn’t live for challenges.
Binaba niya yung picture frame at lumabas na rin ng study. Lumabas siya ng bahay ni Ian at sinet yung alarm, pagkatapos ay sumakay na rin siya sa kotse niya at nagmaneho papunta sa bahay niya.
Nang nakarating na siya sa bahay ay binuksan niya yung gate at nagmaneho papasok, hindi na niya pinasok sa garahe pa yung kotse dahil gagamitin din naman niya ito. Nang nagpa-park siya ay dun lang niya napansin na may isang sasakyan pa.
BINABASA MO ANG
The Widow
RomantizmWhen Clara Dela Merced left the Philippines, she left everything behind knowing that it was the right thing to do especially when the father of her child didn't want them. She left to start anew, she just didn't expect to find a home and love among...
