Scene 50 – Bad guys don’t get happy endings.
Gustong gusto na ni Clara matapos ang taping na ito, gusto na niyang makasama ang mga anak niya kaso ang daming cut ang ginagawa ni Direk Ryan dahil ayaw niya ang nagiging pag arte nila.
Tinignan niya ang relos niya at nagbuntong hininga, ilang oras na sila dito sa summerhouse na to at kunting scenes palang ang nagagawa nila. Inayos ulit ng stylist niya ang make up at ang buhok niya.
Pagkatapos nito ay sabay silang bumalik sa kusina kung saan nandun ang lahat at naghahanda sa panibagong take. Sumulyap sa kanya si Ralphe habang nagbabasa ito ng script.
Hindi niya ito pinansin at diretso siya sa upuan at umupo na. Kinuha na rin niya yung script para lang may magawa habang hinihintay ang go ni Direk Ryan.
“Clara, pagkatapos nito, may interview kang gagawin.” Mahinang sabi ni Jane sa kanya.
Nilingon niya si Jane, “Ha? Para san? Wala naman to sa schedule.”
“Tumawag kasi yung Chief of Staff ni Mrs. Spence, sinabi na may biglaan kang interview para sa CNN.”
Nagbuntong hininga nalang si Clara, wala na siyang magagwa, priorities. Kailangan niya tong gawin dahil kahit anong mangyari, kahit nandito na siya sa Pilipinas ay pamilya parin niya ang mga Spence at tumatakbo ang dad. “Okay.”
“Let’s start.”
Tumayo na si Clara, sana matapos agad tong scene na to, gusto niya munang magpahinga bago yung nasabing interview.
***
Yui: (She stands by the sink, washing the dishes when Yuan’s voice startles her and she slowly lifts her head and turns to her side.)
Yuan: Saan ka nagpunta? (He walks toward her side.)
Yui: Ha?
Yuan: Bigla ka nalang nawala ng walang paalam, saan ka nagpunta? Hindi rin sinabi nila Auntie.
Yui: (She continues washing the dishes and speaks without looking back at him) London.
Yuan: Bakit biglaan?
Yui: Hindi yun biglaan. May offer na akong trabaho nun sa London, nagdalawang isip lang ako bago ko to tanggapin. Pero sa huli, naisip kong maganda na dun nalang ako.
Yuan: Dahil ba sa akin kaya ka umalis?
Yui: (She stills, then she sighs. She turns the faucet off and grabs the towel beside her to wipe her hand. She walks to the counter.) I admit may factor ka kaya ako umalis pero hindi naman umiikot ang buhay ko sayo. Ginawa ko ang tama para sa akin. At ang umalis ang tamang gawin.
Yuan: Dahil nasaktan kita.
Yui: (She nods.) Isa yun sa mga dahilan.
Yuan: Sobrang ba kitang nasaktan at tumakbo ka palayo? (He looks at her, his eyes full of questions)
Yui: (She swallows before answering) Oo. Kasi mahal na mahal kita noon. Hindi ko na ata kakayanin kung… kailangan ko lang umalis. Para naman sa sarili ko. Kailangan ko naman maging masaya.
BINABASA MO ANG
The Widow
RomanceWhen Clara Dela Merced left the Philippines, she left everything behind knowing that it was the right thing to do especially when the father of her child didn't want them. She left to start anew, she just didn't expect to find a home and love among...
