PROLOGUE

3.3K 37 12
                                    


"Arah!!" Sigaw ng Mama ko sa labas. Akala mo may giyera na naman sa lakas ng boses nito.

"Po?"

"Lumabas ka nga d'yan sa kwarto mo, kapag nandito ka sa bahay ay hindi ka lumalabas d'yan!" Pasigaw pa rin n'yang tawag sa akin. Wala namang bago e halos araw-araw ay ganyan siya sa akin.

"Arah ano ba!? Nandito ang mga kapatid mo." Sabi pa ni Mama

Ayon naman pala e. Nandito ang MGA paborito niyang anak, invisible na naman ako sa pamamahay na ito . . . kahit dati pa naman invisible na ako.

I'm GYTE ARAH MUSICO, 18 year's old and second year college.

Alam niyo ba na weird ang name ng family namin pero parang medyo unique rin naman. Mayroon akong apat na kuya at lahat sila ay sundalo.

Si Kuya Drammy (Drum) ang panganay, Si Kuya Vash (Bass Guitar) ang pangalawa, Si Kuya Pian (Piano) ang pangatlo at Si Kuya Kerby (Keyboard) ang pang-apat.
Ako ang bunso nilang kapatid, Gyte Arah means GITARA.

Weird right ?

Si Mama, ang pangalan niya ay Viole-

"Arah! Hindi ka ba marunong makinig? Dalawa ang tainga mo 'di ba!? Kanina pa kita tinatawag." Pasigaw na naman na tawag ni Mama, hindi yata siya namamaos e.

Siya si Mama Violent etse Violeta (Violen) at si Papa Tom ( Tom Tom Drum)

Kami ang MUSICO FAMILY.

"Kapag hindi ka pa sumunod, 'wag na 'wag ka ng lalabas ng kwartong 'yan!"

"Heto na nga po, lalabas na. " Sagot ko , tinapos ko lang naman ang huling stanza ng tulang ginagawa ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko, nakita ko ang mga Kuya ko na nagkakape sa sala namin.

"Maghanda ka na ng pagkain, pagod ang mga Kuya mo." Sabi ni Mama na nakaupo sa sofa, hawak ang remote at nanunuod ng TV.

Seryoso? Tinawag ako ni Mama para maghanda ng pagkain para sa kanilang lahat tapos siya nandito, nakaupo at hayahay ang buhay.

What the!

Ano nga ba'ng bago? Palagi na lang ganito tuwing umuuwi sila Kuya isang beses isang buwan.

"Ano? Rereklamo ka pa?" Tanong ni Mama na pinandilatan pa ako ng mata.

Naglakad na lang ako papunta ng kusina. " Susunod na po . . . itong katulong ninyo." Bulong ko

Siguro kapag isang araw nawala ako , hindi nila ako hahanapin, baka matuwa pa sila.

- gytearah 🎸

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon