KABANATA 4

1.8K 19 0
                                    

KABANATA 4

SOMEONE's Point Of View ❇

Mabilis na naligo si Arah para pumasok sa school.

Absent siya ng isang araw.

"Sisteret, you're here." Sabi ni Xylou at sinalubong agad ng yakap si Arah, ganoon din sina Melody at Sharfaye bago nakipag apir kay Chordie.

Naupo siya sa tabi ni Clefford.

"Hi." Bati ni Clefford sa kanya. Tiningnan niya isa-isa ang mga kaibigan niya at napabuntong hininga.

"May problema ba Arah?" Tanong ni Melody

"Salamat sa mga text at tawag niyo. Sorry kung hindi ko nasagot, salamat sa pag-aalala." Sabi ni Arah

"'Wag mong sabihing may nangyari​ Arah, kinakabahan ako." Sabi ni Sharfaye

Tahimik lang na nagmamasid si Clefford sa magkakaibigan.

"Kaninang madaling araw lang ako nagising." Sambit niya, walang nagsasalita sa kanila. Lahat ay nakikinig sa susunod na sasabihin ni Arah, "Simula noong natulog ako nung Monday, feeling ko nawalan ako ng malay tapos kaninang umaga ay tiningnan ko ang phone ko, Wednesday na pala. Hindi ako nakapasok kahapon." Kuwento ni Arah

"Hindi ka ginising ng Mama mo?'' Tanong ni Clefford

"Bro, walang pakealam 'yong mga kasama niya sa bahay nila sa kanya. Emotionless​, kumain ka na ba?" Tanong ni Chordie at umiling lang si Arah.

"Ibibili kita ng food, Sisteret."

"Salamat Xylou."

"Wala ka bang gamot Arah?" Tanong ni Melody pero medyo pabulong.

"Wala, hindi ako nakabili dahil yung pera na galing sa gig natin, ibinigay ko kay Mama." Sagot ni Arah

"Ang yaman-yaman ninyo pero pinapabayaran pa ng Mama mo ang mga kinakain mo. Sobra naman yun!" Sabi ni Sharfaye

"Ganoon talaga kapag hindi ka mahal ng Mama mo Sharfaye, ang swerte niyo kasi mahal kayo ng family ninyo." Sagot ni Arah

Dumating na si Xylou na may dalang pagkain. "Sisteret, kain ka muna, palakas ka. May gig pa tayo bukas." Sabi ni Xylou

"Oo naman, matatag pa rin naman 'to kahit sukong suko na. Salamat sa inyo." Sagot ni Arah

Habang kumakain si Arah. *Achooo!*

*Achooo!* "Pasok na tayo, mukhang uulan." Sabi ni Arah

All the time, tahimik lang si Clefford na nakatingin kay Arah.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.

Pagpasok na pagpasok pa lang nila ng room ay bumuhos ang ulan. ''Mabuti na lang at hindi tayo naabutan ng ulan." Sabi ni Melody

*Achooo!*

Si Arah bumabahing pa rin hanggang ngayon, may allergies kasi siya.

Once na bumahing siya siguradong uulan.

Habang umuulan ay tuloy ang klase nila.

"Yuck! Ewww! Gross! Kadiri! May virus na tayo, oh nooo! Bakit kasi walang manners yung isa d'yan." Mataray na sabi ni Rainne with matching taas kilay pa habang nakatingin kay Arah.

"For your information, Miss Rainne Calvez. Ikaw ang virus, tahimik kami dito then dumating ka. Ito tuloy si Monica na bait-baitan noon ay bumalik na naman sa pagiging maldita niya. Tsk, very wrong." Sabi ni Melody, lumabas na ang pagiging mataray niya.

"Excuse me!" Sigaw ni Monica

"Then go, dumaan ka! Excuse me pala eh!" Pang-aasar pa ni Melody

"Babe, hayaan mo na, 'wag mo ng patulan. Si Emotionless nga tahimik lang, hinihintay ko talaga na bigwasan ni Arah yang si Rainne e." Natatawang sabi ni Chordie

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon