KABANATA 25
GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★
"Gammy, let's go. Ako na ang magdadala nitong gitara mo. Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni Clefford sa akin, papunta na ako sa gig namin.
"Okay lang CiiGee, sayang naman kung hindi ako pupunta." Sabi ko
"Ano'ng sasabihin mo kapag tinanong ka nila kung bakit ka umiyak? Halatang mugto ang mata mo Gammy."
"E 'di hindi na lang ako sasagot, kaysa naman magsinungaling pa ako." Sagot ko, nagpunta na kami sa sakayan papunta sa bar na tutugtugan namin.
"Hi girls." Bati ko 'tsaka nagbeso.
"Hello. Akala namin hindi ka na darating, sayang naman 'to." Sabi ni Melody
"Kaya nga e sayang kaya pumunta na rin ako." Sagot ko
"Eh bakit nakasalamin ka? Taas ba ng araw? Gabing gabi oh." Sabi ni Xylou
"Trip ko e saka yung outfit ko pang raker." Sabi ko, um-oo na lang sila.
"Start na tayo girls." Sabi ni Miss Kay at nagsimula na kaming kumanta.
“Would you know my name
If I saw you in heaven?
Would it be the same
If I saw you in heaven?I must be strong ang carry on
'Cause I know I don't belong here in heaven.Would you hold my hand
If I saw you in heaven?
Would you help me stand
If I saw you in heaven?I'll find my way through night and day
'Cause I know I just can't stay here in heaven.”Kakatapos lang namin mag perform, dahil sobrang daming nangyari ngayong araw ay niyaya ko na agad si Clefford na umuwi.
"Ingat kayo, bantayan mo yan Clefford ha." Sabi ni Melody, sumaludo naman si Clefford.
"Yes Ma'am." Sabi ka niya kaya nagtawanan kami. Alam kong alam nila na may nangyari, hindi na lang sila nagtanong.
The next day, plano ko sanang pumunta kina Nay Carol kaso naalala ko ang nangyari kahapon, baka magpunta na sa bahay sila kuya Vash.
"Gammy, ihahatid na ba kita doon kina Tita Carol?"
"Hindi na CiiGee, baka kasi pumunta na sa bahay sila Kuya e sa isang araw na lang siguro ako pupunta kina Nay Carol." Sagot ko
"Masaya ako para sa 'yo Gammy, sana maging ayos na rin kayo ng pamilya mo. Sa Sunday, punta tayo kina Mommy Rose ha, samahan mo ako."
Napangiti ako sa sinabi ni Clefford, tanggap na niya. Okay na sa kanya na makausap ang pamilya niya.
"Sige, sasamahan kita pero after mass na ha."
"Oo naman, baka makasabay pa natin sila ulit."
"Kaya nga e, sige. Uuwi na ako, ingat ka sa work mo. Ako na ang magdadala nitong uniform mo pauwi." Sabi ko, hinalikan niya lang ako sa noo at kumakaway na nagbike paalis.
Naglakad na ako papunta sa boarding house. Nagbihis lang ako at kinuha ang panulat ko, gusto kong makapagsulat ng maraming Tula.
"Arah, aalis na kami. Alam naman ni Ate Tess na sa New year na kami babalik kasi pauwi kami sa probinsya." Sabi ng babaeng nag uupa din dito.
"Mag-iingat po kayo sa biyahe. Merry Christmas!" Sabi ko, mag-anak silang uuwi, mag-asawa at ang kanilang dalawang anak.
Tumayo na ako at papasok na sana sa kwarto ko dahil mainit na nang may narinig akong nagtawag.
"Tao po? Tao po?"
Napakunot-noo ako, parang boses ni Kuya Kerby at Kuya Pian.
Bakit sabay silang nagpunta dito?
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...