KABANATA 10
RAINNE's POINT OF VIEW ❇
Wala pa rin ako sa sarili ko habang nakasakay kami ni Monica sa kotse nila pauwi sa bahay namin.
Bakit ganoon? Bakit ganoon si Arah? Kakaiba siyang tao.
She's strong girl sa kabila ng mga pinagdadaanan niya, baka kung sa akin yun nangyayari siguro magpapasagasa na lang ako sa tren.
"Rainne, we're here." Sabi ni Monica
"Thank you Monica." Sabi ko at lumabas na ng kotse, "See you tomorrow." Sabi ko pa
"Wait Rainne, are you mad at me?" Tanong niya
"No, of course not, thank you again." Sabi ko at ngumiti bago pumasok sa gate namin.
"Madam, nandito na po si Ma'am Rainne." Sigaw ng katulong namin at nakita kong nagmamadali pababa ng hagdan si Tita.
"Rainne, what happened? Saan ka ba galing at bakit ganyan ang damit mo? May tumawag dito na humihingi ng Ransom at sabi ay kinidnap ka daw, akala ko ay scam lang kaya hindi ko pinansin." Sabi ni tita
"I'm so sorry Tita. I love you, thank you." Umiiyak kong sabi at niyakap siya.
"Rainne?" Nagtatakang sambit ni Tita sa pangalan ko.
"Tita, sila mommy po? Nandito na po ba sila?" Tanong ko pa
"Wala pa sila, mamayang 10:30 ang dating nila dahil may meeting sila kanina. Bakit?" Tanong ni Tita
"Kasi po, may sasabihin lang po ako sa kanila Tita, importante." Sagot ko, lalo lang napakunot noo si Tita pero hindi na siya nagtanong ulit.
"Magbihis ka na at gagamutin natin 'yang mga sugat mo. Mamaya, ikuwento mo kung ano talaga ang nangyari. Kanina ka pa namin hinahanap e hindi ko lang masabi sa mga magulang mo dahil baka lalo lang silang mag-alala. " Sabi pa ni tita
Never naman yata silang nag-alala sa akin, ang alam lang nila ay pagalitan ako.
Umakyat ako sa kwarto ko, nagshower at nagbihis. Ang dami kong sugat, mahapdi.
"Rainne, tapos ka na ba magpalit? Gagamutin ko na 'yang nga sugat mo." Tanong ni Tita buhat sa labas ng kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto at pumasok siya na may dala-dalang mga gamot.
"T-Tita, nagugutom na po ako." Mahinang sambit ko. Nag-iba ang reaction ni Tita, hindi yata siya sanay na mahinahon akong magsalita.
"Mabilis lang 'to, nagpahanda na ako ng pagkain sa baba." Sagot ni Tita at kinuha ang bulak.
"Tita, nakatakas lang po kami kanina." Simula ko
"Ha? Nakatakas saan? At Sino ang kasama mo?" Tanong ulit ni Tita
"Nakidnap nga po kami Tita, gumawa lang po si Arah ng paraan para makatakas kami, tinutukan kami ng baril Tita, hindi ko akalaing ililigtas ako ni Arah sa kabila ng mga hindi ko magandang ginagawa sa kanya." Sabi ko at napatungo
"Totoo pala ang sinabi ng tumawag sa akin, saan kayo dinala? May ginawa ba sa inyo? Irereport natin sa mga pulis."
"Malayo po at madamo, gubat na. Wala naman po silang ginawa, mabuti na lang po at nakatakas kami bago dumating ang Boss nila. Tita, galing na po kami sa Police Station kanina, doon po kami dumeretso at ang sabi po ni Arah ay biktima daw ako ng taong nagpapautang ng malaki tapos kapag hindi nakapagbayad ay kikidnapin at hihingi ng ransom, pagkabigay ng pera at pags*sam*ntal*han na ang biktima at papayatin. Sorry talaga Tita, hindi ko alam na aabot sa ganito." Sabi ko pa at naiiyak na.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...