KABANATA 23

1.3K 14 0
                                    

KABANATA 23

SOMEONE's POINT OF VIEW ★

Simula nang hapong iyon ay tulala lang si Arah na nakaupo sa upuan malapit sa gate ng boarding house.

Hindi na siya pumasok ng bahay simula nung hapon na dumating si Clefford. Katabi niya ang mga aklat na binili niya. Tulala siya pero may luhang dumadaloy buhat sa mata niya, nakatingin sa kalawakan at mga bituing pasikat pa lang, pa-gabi na nga, medyo malakas na din ang hangin.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Clefford, napasulyap siya sa kinauupuan ni Arah, napakunot-noo siya dahil gabi na ay nandoon pa rin si Arah.

"Ga-Gammy.." Tawag niya, hindi lumingon si Arah. "Gammy, sorry sa naging asal ko kanina." Sabi pa nito at niyakap si Arah, back hug.

"Excuse me, ako ba yung kinakausap mo? Bakit mo ano niyayakap?" Tanong ni Arah, hindi nakatingin kay Clefford, sa buwan ito nakamasid.

Dahan-dahang umupo si Clefford sa tabi ni Arah. "Ga-Gammy, seryoso ka ba? Baka gino-good time mo lang ako dahil sa inasal ko kanina." Nauutal na tanong ni Clefford

"Ano'ng akala mo sa akin Mr.? Sinungaling? At sino ba si Gammy? Hindi Gammy ang pangalan ko!" Pasigaw na sabi ni Arah, walang nagawa si Clefford, niyakap na lang niya si Arah.

"I'm sorry, I'm sorry.. pagod lang ako sa trabaho kanina Gammy, sorry."

"Bakit mo ako iniiyakan? Hindi naman ako patay! Ano'ng araw ngayon? Pumapasok ba ako? Saan ako nakatira? Alam mo ba?" Sunod-sunod na tanong ni Arah Kay Clefford.

"Di-Dito ang bahay mo. Sasamahan kita, kumain ka na ba?"

"Hindi ko alam. Salamat Mr., napaka bait mo, ang s'werte siguro ng girlfriend mo sa 'yo 'no?" Sabi pa ni Arah

"Hindi. A-Ako yung ma-suwerte sa 'yo, i mean ako yung ma-suwerte sa girlfriend ko." Sagot ni Clefford at sinamahan si Arah papunta sa k'warto nito.

"Itong libro, sa 'yo 'to. Gustong-gusto mo ang pagbabasa lalo na kapag malungkot ka." Sabi ni Clefford, nakatingin lang sa kanya si Arah.

"Alis na ako, kung may Kailangan ka nandoon lang ako sa kabilang dulo." Naluluhang sabi ni Clefford, bigla siyang niyakap ni Arah , nagulat siya na may konting saya dahil akala niya ay bumalik na ang memory ni Arah.

"Salamat Mister, ikamusta ni'yo ako sa girlfriend ni'yo ha."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Clefford pagkarinig niya sa sinabi ni Arah. "Si-Sige." Sabi nito at malungkot na pinagmasdan si Arah bago lumabas ng kwarto.

Napahiga si Arah sa kama niya. "Mabuti na lang at marunong akong umarte kahit hindi ako artista. Sorry CiiGee, medyo nasaktan kasi ako sa inasal mo kanina, parang wala kang tiwala sa akin. Ikaw pa lang ang naging boyfriend ko kaya ganito ang naramdaman ko." Sabi ni Arah bago nakatulog na siyang umiiyak.

Kinabukasan, okay na ang pakiramdam ni Arah. Maaga siyang nagising pero hindi agad nagpunta sa eskwelahan. Naghintay siya sa tapat ng k'warto ni Clefford.

Ilang minuto pa ay lumabas na si Clefford, nagulat siya ng makita niya si Arah sa tapat ng pinto niya.

"Good morning!" Bati ni Arah, kaagad siyang niyakap ni Clefford.

"Gammy! Gammy, okay ka na? Naaalala mo na ako? Kumusta? Hindi mo ba naaalala yung nangyari kagabi?" Sunod-sunod na tanong ni Clefford

"Kung ano man ang nangyari, kalimutan mo na yun." Sabi ni Arah

"S-Sorry Gammy, I'm sorry.."

Ngumiti lang si Arah. "Pasok na tayo, three days na lang tapos bakasyon na. Kausapin mo na yung parents mo ha." Sabi ni Arah

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon