KABANATA 15
CLEFFORD GEE'S POINT OF VIEW ❇
Hindi ako nakasagot agad.
Totoo ba ang sinasabi ni Manong Ernie?
"Pasok kayo, nandoon si Sister Fe sa loob, matutuwa 'yon kapag nakita ka." Sabi pa ni Manong Ernie
"Manong Ernie, siya nga po pala Si Arah, girlfriend ko. Kalaro ko po siya noong mga bata pa kami."
"Yung kasama mo umakyat sa puno? Ikaw na pala yan iha."
"Opo. Kilala ni'yo po pala ako?"
"Oo. Natatandaan kita dahil d'yan sa bàlat mo. Ang bibilis nga ninyong tumakbo kaya hindi ko kayo maabutan noon, lalo na siguro ngayon."
"Oo nga po. Sige po, puntahan na muna namin si Sister Fe." Paalam ko bago kami pumasok sa loob.
"Magandang araw po." Bati ni Arah sa mga Madre.
"Magandang araw iha, ano'ng maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong ng madre Kay Arah
"Sister Fe." Sabi ko at ngumiti sa Madre.
Napakunot noo siya at kagaya ni Manong Ernie ay minabuti niyang tingnan muna ako.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"Buhay ka pa! Ang laki laki mo na Clefford, Saan ka ba nagpunta noon? Bakit ka umalis dito?"
Imbes na sumagot ay niyakap ko na lang siya. "Namiss ko po kayo." Sabi ko
"Namiss din namin ang pagiging pasaway mo. Ang lahat ng bata na nakasama mo noon ay may kanya-kanyang pamilya na."
"Mabuti pa po sila. Sorry po Sister Fe kung tumakas ako noon, gusto ko po kasing mahanap ang mga magulang ko noon, hindi ko matanggap na iniwan nila ako dito. Patawarin po ninyo ako. Alam ko din naman pong walang mag-aampon sa akin dahil pasaway at makulet ako." Sabi ko
"Hindi yun ganoon iho, hindi ka lang naghintay. Nawala ka kaagad ng pag-asa pero may good news kami sa iyo."
"Ano po 'yon?" Tanong ko, parang excited silang sabihin sa akin e.
"May pumunta ditong mag asawa, hinahanap nila yung batang iniwan sa tapat ng bahay ampunan. Ang mga bata noon ay kusang ibinigay dito ng mga magulang nila dahil hindi nila kayang palakihin ng maayos. Nag-iwan sila ng numero na maaaring tawagan kung sakaling ikaw ay magbalik dito. Sila nga siguro ang mga totoong magulang mo . Hindi ko na matandaan kung ano ang apelyedo nila, parang Cor. . . Corpuz, Calves, Cortez. Hindi ko na talaga matandaan iho, makakalimutin na ako." Sabi pa ni Sister Fe at ipinakuha niya sa kasamahan niya ang papel kung saan nakasulat ang number na sinasabi nilang sa magulang ko raw.
"Ano, kumusta naman ang naging buhay mo iho?" Tanong ng isang Madre sa akin.
"Maayos naman po Sister, may mga trabaho po ako at nag-aaral po ako ngayon." Sagot ko
"Ayos 'yan iho, sana ay makapagtapos ka at makahanap ng trabaho na maayos. Patnubayan ka ng Panginoon." Nakangiting sabi ng isang Madre sa akin.
"Ito bang kasama mong binibini ay nobya mo?" Tanong ni Sister Fe
"Ay opo Sister, Si Arah nga po pala. Girlfriend ko. Childhood friend ko siya, siya po ang kasama ko noon mangalakyat sa mga puno sa People Love Nature tuwing tumatakas ako dito. Ilang buwan pa lang po simula noong nagkita kami ulit. Mahal na Mahal ko po ang babaeng ito." Sabi ko atsaka humarap kay Arah.
Nakangiti si Arah at namumula ang pisnge.
"Sana ay magtagal kayo at magpakatatag sa ano mang problema na dumating. Hindi tayo pababayaan ng Diyos."
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Lãng mạn[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...